LJ Reyes, 'di agad nasagot ang tanong kung may third party sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

LJ Reyes, 'di agad nasagot ang tanong kung may third party sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

- Hindi agad nasagot ni LJ Reyes ang tanong ni Boy Abunda sa kanya kung may third party ba sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

- Dalawang beses itong naitanong sa kanya ni Boy Abunda at sa parehong pagkakataon, ilang segundong nanahimik ang Kapuso actress

- Ngunit sa ikalawang pagkakataon, nasabi nitong kahit hindi niya ito sagutin, marami umano ang makasasagot nito para sa kanya

- Kasalukuyan nang nasa New York City si LJ kasama ang kanyang mga anak na sina Aki at Summer

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mapapansing hindi agad nakasagot si LJ Reyes nang tanungin siya ni Boy Abunda kung mayroon nga bang third party sa hiwalayan nila ni Paolo Contis.

Nalaman ng KAMI na naglabas na ng pahayag si LJ kaugnay sa kumpirmasyon niyang hiwalay na sila ni Paolo Contis na karelasyon niya sa loob ng anim na taon.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

Sa unang beses na maitanong ni Boy Abunda ukol sa umano'y third party, ilang segundo talagang napatigil sa pagsasalita si LJ.

LJ Reyes, hindi agad nasagot ang tanong kung may third party sa hiwalayan nila ni Paolo Contis
LJ Reyes (Photo: The Boy Abunda Talk Channel)
Source: Facebook

Kaya naman sinabihan siya ni Boy na kung hindi ito komportable na sumagot, ay huwag na lamang magbigay ng pahayag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit bago matapos ang kanilang eksklusibong panayam, muling natanong ni Boy si LJ tungkol dito.

Bagaman at muli itong natigilan ng ilang segundo, nasabi naman nito ang pahayag na "I think marami po ang makasasagot niyan kahit hindi po ako sumagot."

Sa unang bahagi ng panayam, nabanggit ni LJ na marami umanong mga concern sa kanya na nagpapadala ng mga umano'y 'revelations' at 'sightings' ni Paolo.

"Siguradong-sigurado po ako na totoo. dami ko na pong nakausap, na nagpakita sa akin ng katotohanan. Kung paano siya kapag nakatalikod ako, kaya ang hirap po sa akin."

Read also

LJ Reyes, nasaktan sa pagbura ni Paolo Contis ng kanilang larawan sa Instagram

Napapansin din kasi ni LJ na ang dating homebody na si Paolo ay madalas nang lumabas na sinabi niyang 'late last year' ito nagsimula.

"Madalas po siyang wala sa bahay ... he's a very homebody po. Medyo nagstart po late last year."
"Kinon-front ko siya, 'are we ok? parang iba ka? di ko napi-feel yung dating ikaw."

Ngunit sinagot lamang daw siya ni Paolo ng "Akala mo lang yun, ganun pa rin naman."

Wala na rin umanong balak pang kausapin ni LJ si Paolo ay nag-cut na siya ng linya ng kanilang komunikasyon sa ngayon sa sakit na raramdaman niya umano gayundin para sa kanyang mga anak.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni LJ na mapapanood sa The Boy Abunda Talk channel:

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.

Read also

LJ Reyes, tinanong si Paolo Contis kung nais pa silang bumalik ng mga bata: "Hindi na raw"

Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis.

Kaya naman marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang paghihiwalay ng dalawa na nagkataon pang pagpapalabas ng Netflix film ni Paolo na 'A faraway land.'

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel