LJ Reyes, tinanong si Paolo Contis kung nais pa silang bumalik ng mga bata: "Hindi na raw"

LJ Reyes, tinanong si Paolo Contis kung nais pa silang bumalik ng mga bata: "Hindi na raw"

- Nagsalita na sa wakas si LJ Reyes tungkol sa hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis

- Isa sa mga nabanggit nito ang minsan niyang naitanong kay Paolo kung nais pa nitong bumalik sila

- Kasalukuyan nang nasa New York si LJ kasama ang kanyang anak na sina Aki at Summer

- Labis din umano siyang nasasaktan sa nangyari hindi lamang para sa kanya kundi para na rin sa kanyang mga anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapang na humarap na sa publiko si LJ Reyes na nakapanayam ni Boy Abunda.

Nalaman ng KAMI na nakalipad na patungong New York sa Amerika si LJ kasama ang mga anak na si Aki at Summer.

Isa sa mga naibahagi ni LJ ay ang diretsang naitanong niya kay Paolo kung nais pa nitong bumalik sila para buuin ang kanilang pamilya.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang 'mutual decision' ang hiwalayan nila ni Paolo Contis

LJ Reyes, tinanong si Paulo Contis kung nais pa silang bumalik ng mga bata: "Hindi na raw"
Si LJ Reyes, kasama ang mga anak na sina Aki at Summer at si Paulo Contis
Source: Instagram
"Tinanong ko po if he wants to take us back, pero hindi na raw," ang naiiyak na pahayag ng Kapuso actress.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento rin ni LJ ang mga napapansin niya kay Paolo na madalas na umanong lumabas na dati naman ay home buddy lamang.

Naitanong man ni Boy Abunda kung mayroong third party sa naturang hiwalayan ngunit hindi ito agad na nasagot ni LJ.

Nabanggit naman niyang may mga tao umanong concern sa kanya na nagsabi ng 'sightings' nila kay Paolo.

Ngunit mariin naman daw itong itinatanggi ng aktor gayung pandemic at madalas na naka-mask ang mga tao.

"Siguradong-sigurado po ako na totoo. dami ko na pong nakausap, na nagpakita sa akin ng katotohanan. kung paano siya kapag nakatalikod ako, kaya ang hirap po sa akin."

Nabanggit din ni LJ na ayaw din niyang magamit umano ang kanyang mga anak sa nangyayari kaya minabuti niyang humarap na sa publiko.

Read also

LJ Reyes, 'di agad nasagot ang tanong kung may third party sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

"I'm here just to put an end to any other speculations... Ang gusto ko lang e, 'wag magamit ang mga anak ko, gusto ko lang maintindihan ng publiko kung bakit ako umalis at gumawa ng kwento na mutual... Hindi po eh"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni LJ na mapapanood sa The Boy Abunda Talk Channel:

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final Four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.

Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis.

Kaya naman marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang paghihiwalay ng dalawa na nagkataon pang pagpapalabas ng Netflix film ni Paolo na 'A faraway land.'

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel