Aljur sa isyu nila ni Kylie: "She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami"

Aljur sa isyu nila ni Kylie: "She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami"

- Muling nagsalita si Aljur Abrenica patungkol sa mainit na naging patutsadahan ng magkabilang panig nila ni Kylie Padilla

- Bukod sa sinabi niyang hindi niya intensyon ang paglabas ng pahayag sa "Breaking Silence" post, nabanggit niyang minahal naman niya talaga si Kylie

- Nais na rin niya umanong matapos ang isyu alang-alang sa dalawang anak nila ng aktres

- Hindi na rin umano magbibigay pa ng karagdagang pahayag si Aljur patungkol sa isyu gayung sa tingin niya'y nasabi na niya ang mga dapat niyang sabihin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang kontrobersyal na paglalabas at agad ding pagbubura ng kanyang 'Breaking Silence' post, naglabas na ng saloobin si Aljur Abrenica.

Nalaman ng KAMI na sa presscon ng kanyang bagong pelikula, hindi naiwasang maitanong sa aktor ang tungkol sa isyu na kinasasangkutan ngayon.

Read also

Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"

Aljur sa isyu nila ni Kylie: "She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami"
Photo: Aljur Abrenica
Source: Facebook

Aniya, hindi niya intensyong maglabas ng ganoong post subalit nararamdaman niyang kailangan niya itong gawin.

Nilinaw niya kaya niya hindi na masyadong pinalawak pa ang detalye ng post dahil sa pamilya pa rin naman niya si Kylie gayung ina ito ng kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"And I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko yung babaeng iyon. I valued our family more than anything. So, I was really affected nung nangyari 'yon. And out of respect sana, 'di ba pamilya ko pa rin sila? May pagkakamali rin ako."

"For the sake of our children, gusto ko lang matapos 'to. Hanggang doon na lang. She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami" pahayag ni Aljur na naibahagi ng Cinema Bravo.

Read also

Aljur Abrenica sa pagbura ng "Breaking Silence" post: "Naramdaman ko talaga na kailangan"

"Sana, hinihingi ko po sa inyo, na para sa mga bata, at para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo," dagdag pa niya.

Si Aljur Abrenica ay produkto ng reality show sa GMA ang "StarStruck". Ikinasal siya kay Kylie Padilla noong 2018 kung saan nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Alas Joaquin and Axl Romeo.

Sinasabing Hulyo pa ng nakaraang taon nang maghiwalay na ang dalawa. Subalit nito lamang Oktubre, isang kontrobersyal na post ang inilabas ni Aljur na nagsasabing si Kylie umano ang unang nagloko sa kanilang relasyon.

Nagsulputan naman ang mga nagtanggol kay Kylie at isa na rito ang nagpakilalang pinsan niya na si Princess Paulino.

Sa pinakabagong showbiz update ni Ogie Diaz, isa rin umanong common friend nila ni Kylie ang nagsabing naubos ang savings ng aktres dahil sa talagang kinapos sila noon ni Aljur kaya naman nagagalaw na maging ang sariling ipon niya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel