Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"

Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"

- Muling nagsalita si Aljur Abrenica patungkol sa mainit na naging patutsadahan ng magkabilang panig nila ni Kylie Padilla

- Sinabi niyang "lubog at natulak" lamang siya at tila nabugbog na sa sitwasyong kinasasangkutan niya at dating asawa

- Nais na rin niya umanong matapos ang isyu alang-alang sa dalawang anak nila ng aktres

- Nabanggit din ni Aljur ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang pamilya kaya pinili niyang hindi na magbigay pa ng anumang karagdagang pahayag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na muli ng saloobin si Aljur Abrenica patungkol sa kontrobersyal niyang "Braking Silence" post na burado na ngayon.

Nalaman ng KAMI na wala raw intensyon si Aljur na maglabas ng ganoong klaseng post patungkol sa akusasyon umano kay Kylie Padilla sa kung sino ang unang nagloko sa kanila.

Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"
Photo: Aljur Abrenica
Source: Facebook

Sa ibinahaging pahayag ni Aljur ng News 5 mula sa premiere ng pelikulang "Manipula," sinabi ng aktor na tila "natulak" lamang siya dala ng pagkasadsad at pagkalubog sa nangyayaring isyu sa kanila.

Read also

Aljur sa isyu nila ni Kylie: "She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami"

"Ang reason kung bakit ko nagawa iyon is out of impulse. Kasi I felt na parang nasadsad ako, natulak, nalubog, at nabugbog na ako. It was not my intention to post pero naramdaman ko talaga na kailangan na," ani Aljur.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabanggit din niya ang pagpapahalaga pa rin sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang dalawang mga anak. Kaya naman nais na rin sana niyang matuldukan na ang isyu.

"And I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko yung babaeng iyon. I valued our family more than anything. So, I was really affected nung nangyari 'yon. And out of respect sana, 'di ba pamilya ko pa rin sila?"

Dahil dito, hindi na rin umano siya magbibgay pa muli ng anumang karagdagang pahayag kaugnay sa mga nangyayari.

Read also

Aljur Abrenica sa pagbura ng "Breaking Silence" post: "Naramdaman ko talaga na kailangan"

Si Aljur Abrenica ay isa sa mga artistang nagmula sa reality show sa GMA ang "StarStruck". Ikinasal siya kay Kylie Padilla noong 2018 at matapos nito'y nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Alas Joaquin and Axl Romeo.

Sinasabing Hulyo pa nang maghiwalay na ang dalawa. Subalit nito lamang Oktubre, isang kontrobersyal na post ang inilabas ni Aljur na nagsasabing si Kylie umano ang unang nagloko sa kanilang relasyon.

Nagsulputan naman ang mga nagtanggol kay Kylie at isa na rito ang nagpakilalang pinsan niya na si Princess Paulino.

Sa pinakabagong showbiz update ni Ogie Diaz, isa rin umanong common friend nila ni Kylie ang nagsabing naubos ang savings ng aktres dahil sa talagang kinapos sila noon ni Aljur kaya naman nagagalaw na maging ang sariling ipon niya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel