Aljur Abrenica sa pagbura ng "Breaking Silence" post: "Naramdaman ko talaga na kailangan"

Aljur Abrenica sa pagbura ng "Breaking Silence" post: "Naramdaman ko talaga na kailangan"

- Muli nang nagsalit si Aljur Abrenica matapos ang kontrobersyal na "Breaking Silence" post na agad din niyang binura kamakailan

- Sa presscon ng bago niyang pelikula, sinabi ni Aljur na hindi niya intensyon na maglabas ng ganoong post ngunit naramdaman niyang kailangan

- Nasabi na rin umano niya ang mga nais niyang sabihin kaya naman hindi na muli pang nagbigay ng ano pang karagdagang detalye

- Nais na rin umano niyang matapos ang isyu para na rin sa mga anak nila ni Kylie

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagsalita na si Aljur Abrenica matapos ang kontrobersyal na "Breaking Silence" post niya patungkol kay Kylie Padilla.

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng muling nakapagbigay ng pahayag si Aljur sa presscon ng bago nitong pelikula matapos na burahin ang naturang post.

Aljur Abrenica sa pagbura ng "Breaking Silence" post: "Naramdaman ko talaga na kailangan"
Photo: Aljur Abrenica
Source: Facebook

Naibahagi ng Cinema Bravo ang ilan sa mga naging pahayag ni Aljur:

Read also

Aljur sa isyu nila ni Kylie: "She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami"

"It was not my intention na maglabas ng ganung post pero naramdaman ko talaga na kailangan. Ang sa akin, I think nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Baka kasi hindi ko na siya gustong i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at gano'n kaapektado ang mga tao dahil sinubaybayan niyo yung pagsasama namin ni Kylie."

Dagdag pa ni Aljur na nais na rin sana niyang matapos na ang isyu para na rin sa dalawang anak nila ni Kylie.

Samantala, pinakaaabangan naman ng marami ang eksklusibong panayam ni Jessica Soho kay Kylie Padilla sa KMJS.

Si Aljur Abrenica ay produkto ng reality show sa GMA ang "StarStruck". Ikinasal siya kay Kylie Padilla noong 2018 kung saan nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Alas Joaquin and Axl Romeo.

Read also

Vlogger na si Basel Manadil, napasaya ang mga nakakasalubong lang niya sa kalye

Sinasabing Hulyo pa ng nakaraang taon nang maghiwalay na ang dalawa. Subalit nito lamang Oktubre, isang kontrobersyal na post ang inilabas ni Aljur na nagsasabing si Kylie umano ang unang nagloko sa kanilang relasyon.

Nagsulputan naman ang mga nagtanggol kay Kylie at isa na rito ang nagpakilalang pinsan niya na si Princess Paulino.

Sinabi nitong walang katotohanan ang umano'y mga paratang ni Aljur kay Kylie gayung si Aljur pa raw ang wala nang maibigay at maisustento sa kanilang pamilya.

Sa pinakabagong showbiz update ni Ogie Diaz, isa rin umanong common friend nila ni Kylie ang nagsabing naubos ang savings ng aktres dahil sa talagang kinapos sila noon ni Aljur kaya naman nagagalaw na maging ang sariling ipon niya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel