LJ Reyes sa hiwalayan nila ni Paolo Contis: "It was so difficult, It was so painful"
- Inamin na ni LJ Reyes ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis sa panayam sa kanya ni Boy Abunda
- Sa 20 seconds na teaser ng aktwal na interview, ipinakita ang nasabi ni LJ kung gaano siya nasaktan sa kanilang hiwalayan
- Nilarawan pa niya ito na kung hindi malakas ang pananampalataya niya sa Diyos, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin
- Ayon pa sa aktres, ramdam na niyang matagal nang malayo sa kanilang mag-iina si Paolo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kinumpirma na ng aktres na si LJ Reyes ang hiwalayan nila ni Paolo Contis.
Nalaman ng KAMI na nagkaroon si LJ ng eksklusibong panayam kay Boy Abunda kung saan niya nilahad ang pangyayare sa hiwalayang hindi inaasahan ng marami.
"It was so difficult, it was so painful," naluluhang nasabi ni LJ nang tanungin siya ng kanyang 'Tito Boy' kung mutual ba ang desisyon ng dalawa sa pagtatapos ng kanilang relasyon.
"Kung hindi malakas 'yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin," dagdag ni LJ na talagang emosyonal habang pinag-uusapan ang sinapit ng kanyang relasyon kay Paolo na ama ng anak niyang si Summer.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nang tanungin naman si LJ kung sino ang humiwalay, sinabi nitong matagal na niyang nararamdamang nakahiwalay na si Paolo sa kanila.
Narito ang kabuuan ng 20 seconds na teaser ng panayam ni Boy Abunda kay Lj Reyes:
Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.
Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis.
Kaya naman marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang paghihiwalay ng dalawa na nagkataon pang pagpapalabas ng Netflix film ni Paolo na 'A faraway land.'
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh