Lolang naglalako ng gulay, pumanaw ilang araw matapos matulungan ng RTIA
- Personal muling binisita ni Ralph Tulfo, anak ni Raffy Tulfo ang mister ng lola na kanilang natulungan
- Matatandaang naiyak pa noon si Lola Regina sa sobrang saya sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanila nina Raffy at anak nitong si Ralph
- Si Ralph pa mismo ang nagtungo sa kinaroroonan ng mag-asawa upang personal na iabot ang wheelchair, panindang mga gulay at iba pa nilang tulong sa mga ito
- Subalit ilang araw lamang ang lumipas, nabalitaan na rin agad nilang pumanaw na si Lola Regina
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Muling binisita ng anak ni Raffy Tulfo na si Ralph Tulfo si Gerry Alombro, ang mister ng pumanaw na si Lola Regina para personal na abutan na tulong at pakikiramay.
Nalaman ng KAMI na sina Lolo Gerry at Lola Regina ay natulungan ng mag-amang Tulfo sa programang 'Wanted sa Radyo.'
Bumuhos noon ang biyaya sa mag-asawa na hindi lamang wheelchair ang natanggap para kay Lola Regina kundi ang sidecar gayundin ang mga panindang gulay nilang mag-asawa.
Naipatingin din sa doktor ang kalagayan ni Lolo Gerry na nahihirapan nang makarinig.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Subalit, ilang araw lamang mula nang emosyonal na nagpasalamat pa si Lola Regina kay Ralph sa mga naibigay nitong tulong, pumanaw na rin ang matanda.
Kaya naman muli siyang binisita ni Ralph upang abutan ng tulong pinansyal at personal na makiramay sa pagkamatay ni Lola Regina.
Ikinuwento rin ni Lolo Gerry na napansin na lamang niya umano ang asawa na hindi na gumagalaw kahit na ibinabangon niya ito sa higaan at malamig na raw ang talampakan nito.
Binisita na rin ni Ralph kasama si Lolo Gerry ang puntod ni Lola Regina. Nangako rin si Ralph na ipaayos ang lapida ng matanda at patuloy na susuporta kay Lolo Gerry.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh