Janus Del Prado, hanga sa kaibigang kailanma'y di siniraan ang tinatawag niyang 'G'

Janus Del Prado, hanga sa kaibigang kailanma'y di siniraan ang tinatawag niyang 'G'

- Malaman ang naging pahayag ni Janus Del Prado sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz

- Karamihan sa mga ito ay tungkol sa 'cryptic post' ni Janus kung saan madalas siyang gumamit lamang ng mga initials ng umano'y pangalan ng taong pinatutungkulan

- Nabanggit din nitong napatawad na sana ng kanyang kaibigang may initial na 'B' ang naging kasintahan nito kung umamin lamang ang naging nobyo sa pagkakamaling nagawa

- Humanga rin siya rito na kailanma'y hindi na siniraan pa ang ex-BF at tila mas galit pa silang mga kaibigan kaysa sa aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tahasang naglabas ng saloobin si Janus Del Prado sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Nalaman ng KAMI na isa na rito ang patuloy na pagtatanggol ni Janus sa kaibigang si Bea Alonzo.

Read also

Janus Del Prado sa mga nagpapadala ng death threat: "Aabalahin pa natin NBI? 'Wag na!"

Kaya naman kahit mga initials na 'G' at 'B' lamang ang kanyang ginamit, madaling naunawaan ng netizens ang tinutukoy ni Janus.

Janus Del Prado, hanga kay 'B' na kailanma'y di siniraan si 'G'; "Mas galit pa kaming mga kabigan"
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

Ayon sa kontrobersyal na aktor, napatawad na raw sana ng kaibigan niyang si 'B' ang naging nobyo kung umamin lamang ito sa mga nagawang pagkakamali.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Tapos na 'yan kung inamin lang niya pagkakamali niya"
"Kasi kung humingi siya ng sorry, sabi ko nga sa'yo kaibigan ko, napakabilis magpatawad."

Diretsahan pang sinabi ni Janus na maaring napatawad na nga ng kaibigan ang dating nobyo subalit ayaw nitong kunsintihin ang ginagawa nitong hindi maganda.

"Pinag-uusapan namin yan e, forgive but never forget"

Dagdag pa ni Janus, labis niyang hinangaan si 'B' dahil kailanman ay hindi raw nito nagawang siraan pa sa kanila si 'G'.

"Dun lang siya sa issue, hindi niya ginatungan nang ginatungan nang ginatungan."

Read also

Janus Del Prado, isiniwalat ang pagbabayad ni Angel Locsin ng kanyang hospital bill

Sinabi pa ni Janus na tila mas galit pa silang mga kaibigan sa ginawa ng dating nobyo kaysa kay 'B' na talagang nasaktan umano nito.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Janus na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Janus, naikwento rin ng aktor kung paano siya pahalagahan ng iba pa niyang mga kaibigan tulad nina Paulo Avelino at Angel Locsin.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel