Janus Del Prado, isiniwalat ang pagbabayad ni Angel Locsin ng kanyang hospital bill

Janus Del Prado, isiniwalat ang pagbabayad ni Angel Locsin ng kanyang hospital bill

- Sa panayam ni Ogie Diaz kay Janus Del Prado, isa sa mga napag-usapan nila ay magpahalaga ng kaibigan ang aktor

- Naikwento rin naman ni Janus kung paano siya pahalagahan ng mga taong malalapit sa puso niya

- Isa sa mga nabanggit niya ay si Angel Locsin na nagawa pa umanong bayaran ang buong hospital bill niya noong 2014

- Sinabi pa ni Janus na ayaw daw ni Angel at iba pang kaibigan na isinasa-publiko ang kanilang pagtulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni Janus Del Prado ang hindi niya malilimutang pagtulong sa kanya ng malapit na kaibigan na si Angel Locsin.

Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa sa mga napag-usapan nila ay sa kung paano maging kaibigan si Janus.

Mapapansin kasing nabansagan umano itong 'sawsawero' dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang mga kaibigan.

Read also

Janus Del Prado sa mga nagpapadala ng death threat: "Aabalahin pa natin NBI? 'Wag na!"

Janus Del Prado, isiniwalat ang pagbabayad ni Angel Locsin ng kanyang hospital bill
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

"Ay grabe, Makikipagpatayan ako para sa mga kaibigan ko," matapang na pahayag ng aktor na hanggang ngayon ay walang tigil sa pagdepensa sa mga kaibigang nadedehado umano tulad ni Bea Alonzo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit isa sa mga naibahagi ni Janus ay kung paano naman siya pahalagahan ng mga taong malalapit sa kanya.

Isa na rito si Angel Locsin na nakagawa ng paraan para malaman ang kalagayan ni Janus noong 2014 na siya ay na-ospital dahil sa tigdas.

Nagulat na lamang daw si Janus nang tanungin ni Angel ang kanyang kinaroroonang ospital dahil nalaman na lang daw ng aktres na may sakit siya.

Sinabihan siya nito na kapag dumating ang bill, ipagbigay alam lamang sa kanya.

"Buong bill ko binayaran niya, nasa mahigit... Sorry alam ko ayaw nitong mga 'to nire-reveal yung mga tulong nila... pero nasa mahigit Php150,000 kasi tumagal din ako sa ospital ng almost two weeks."

Read also

Janus Del Prado, hanga sa kaibigang kailanma'y di siniraan ang tinatawag niyang 'G'

Naikwento rin ni Janus ang pagpapadala sa kanya ni Paulo Avelino ng pang-grocery ngayong pandemya kahit hindi naman niya ito hinihingi.

Si Bea naman na madalas niyang maipagtanggol kamakailan, kahong-kahong pagkain ang madalas na maipadala nito sa kanya.

Ang showbiz couple naman na sina Joem Bascon at Meryll Soriano ay parang 'nanay at tatay' na raw niya kung siya ay kumustahin lalo na ngayong pandemic.

Patunay lamang daw ang mga ito na hindi 'pera' ang dahilan ng pagpapahalaga niya at pagtatanggol sa mga kaibigan.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya na mapapanood sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula kagaya ng "One More Chance", na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa "Four Sisters and a Wedding" noong 2013.

Read also

Janus Del Prado, isiniwalat ang tahimik na pagtulong sa kanya ni Paolo Avelino

Gumagawa ng ingay ngayon si Janus sa social media dahil sa mga cryptic post nito na madalas initials lamang ang ginagamit niyang pantukoy sa mga umano'y pinatatamaan.

Kilala rin si Janus bilang isa sa mga tagapagtanggol ni Bea nang pumutok ang umano'y 'ghosting issue' nito ng dating kasintahan na si Gerald Anderson.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel