Janus Del Prado, isiniwalat ang tahimik na pagtulong sa kanya ni Paolo Avelino

Janus Del Prado, isiniwalat ang tahimik na pagtulong sa kanya ni Paolo Avelino

- Nakapanayam ni Ogie Diaz ang kontrobersyal na aktor ngayon na si Janus Del Prado

- Isa sa mga napag-usapan nila ay kung paano magpahalaga ng kaibigan si Janus at kung paano rin siya pahalagahan ng mga ito

- Isa sa mga nabanggit niya ang tungkol kay Paulo Avelino na tahimik na tumutulong sa kanya lalo na ngayong pandemya

- Inaakala raw kasi ng marami na may pagka-suplado si Paulo ngunit labis-labis din itong magpahalaga sa kanyang mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpaunlak ng panayam kay Ogie Diaz ang kontrobersyal na aktor ngayon na si Janus Del Prado.

Nalaman ng KAMI na maingay ang pangalan ng aktor dahil sa mga ordinaryo man o maging 'cryptic post' nito na karamihan ay pagtatanggol sa mga taong malalapit sa kanya.

Dahil dito, agad na naitanong ni Ogie kung paano makipagkaibigan ang tulad ni Janus.

Read also

Janus Del Prado sa mga nagpapadala ng death threat: "Aabalahin pa natin NBI? 'Wag na!"

Janus Del Prado, isiniwalat kung paano siya tahimik na tinutulungan ni Paolo Avelino
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

"Ay grabe, Makikipagpatayan ako para sa mga kaibigan ko," bungad niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Alam daw kasi ni Janus na totoo ang mga ito sa kanya at ito ang mga kaibigan na hindi dahil may show lamang o taping sila kaya tinatawag na 'kaibigan' ang mga ito.

Isang halimbawa na ibinigay niya ay ang tahimik na pagtulong sa kanya ni Paulo Avelino.

"Alam ko magagalit sa akin nito si Pau, ayaw niya ng pina-public na tumutulong siya pero during first wave ng pandemic, every time na magla-lockdown magpapadala yan sa bank account ko ng pang-grocery. 'Matic yan ha, hindi kamanghihingi, wala siyang itatanong kung may pambili ba ako o ano, ang aga-aga makikita mo 'may pinadala ako, magla-lockdown daw ulit."

Akala lamang daw ng iba na suplado si Paulo ngunit labis din itong magpahalaga ng kanyang kaibigan at napatunayan ito ni Janus.

Read also

Janus Del Prado, isiniwalat ang pagbabayad ni Angel Locsin ng kanyang hospital bill

Narito ang kabuuan ng panayam kay Janus na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula kagaya ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Kilala rin si Janus bilang isa sa mga tagapagtanggol ni Bea nang pumutok ang umano'y 'ghosting issue' nito ng dating kasintahan na si Gerald Anderson.

Makailang beses na dinepensahan ni Janus si Bea sa kontrobersiyang hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad

Source: Kami.com.ph

Online view pixel