Janus Del Prado sa mga nagpapadala ng death threat: "Aabalahin pa natin NBI? 'Wag na!"

Janus Del Prado sa mga nagpapadala ng death threat: "Aabalahin pa natin NBI? 'Wag na!"

- Isa sa mga napag-usapan ni Ogie Diaz sa exclusive interview nito kay Janus Del Prado ay ang mga death threat na natanggap ng aktor

- Ito ay kaugnay umano sa patuloy niyang pagtatanggol sa kaibigang si Bea Alonzo sa dati nitong nakarelasyon na si Gerald Anderson

- Kahit may kaibigan pa raw si Janus na nag-offer sa kanyang ipa-NBI na ang mga ito, tumanggi pa rin ang aktor

- Tila mas mainam pa raw sa kanyang sawayin na lamang ng artista ang mga fans nito sa mga gawaing tulad ng pagbabanta sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakapanayam ni Ogie Diaz ang kontrobersyal na aktor ngayon na si Janus Del Prado dahil sa mga patutsada nito kanyang mga post sa social media.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga napag-usapan nila ang mga pagbabanta o death threat na natatanggap ni Janus dahil sa umano'y pagtatanggol nito sa kaibigang si Bea Alonzo.

Read also

Janus Del Prado, isiniwalat ang pagbabayad ni Angel Locsin ng kanyang hospital bill

Ayon kay Janus, karamihan sa mga pagbabanta ay dini-delete na lamang niya.

Janus Del Prado sa mga nagpapadala ng death threat: "Aabalahin pa natin NBI? 'Wag na!"
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

Katwiran niya, wala rin naman mangyayari kung idulog pa niya ito sa NBI kahit meron siyang kaibigan na nag-offer na ipahanap ang mga gumagawa ng mga pagbabantang ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kung yan ang means nila ngayon para kumita ng pera, e aabalahin mo pa ba ang NBI?"
"Wala rin namang pupuntahan, ano papa-aresto natin? di ba? 'Wag na"

Ayon pa kay Janus, tila mas mainam kung sinasaway na lamang ng 'artista' ang mga fans na nagpapadala ng mga pagbabantang ito.

"Hindi mo naman pwedeng irason lagi na 'hindi naman sa amin galing yan, hindi kami nag-utos niyan, fans yan, pero 'di niyo sinaway, hindi niyo sinasaway. Kasi nagsasalita sila in behalf of you. Pinagtatanggol nila kayo..." paliwanag pa ni Janus.

Read also

Janus Del Prado, hanga sa kaibigang kailanma'y di siniraan ang tinatawag niyang 'G'

"Kapag hindi mo sinaway, kinukunsinti mo"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Janus na mapapanood sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula kagaya ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Gumagawa ng ingay ngayon si Janus sa social media dahil sa mga cryptic post nito na madalas initials lamang ang ginagamit niyang pantukoy sa mga umano'y pinatatamaan.

Kilala rin si Janus bilang isa sa mga tagapagtanggol ni Bea nang pumutok ang umano'y 'ghosting issue' nito ng dating kasintahan na si Gerald Anderson.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel