Janus Del Prado, may bagong patutsada sa mga taong 'di pinangalanan; "Ay natapon"

Janus Del Prado, may bagong patutsada sa mga taong 'di pinangalanan; "Ay natapon"

- Muling naglabas na pahayag si Janus Del Prado ukol sa ginagawa umano ng mga 'paid trolls' ng mga taong hindi niya pinangalanan

- Kapansin-pansin ang mga initials na ginamit niya tulad ng "G&J", "B" at "P"

- Kasunod ito ng nauna niyang patutsada sa taong dapat din na mag-sorry sa kanila gayung napag-away sila sa set dahil sa pagtatakip ng kalokohan umano nito

- Naglabasan ang post na ito ni Janus matapos umanong maglabas ng pahayag si Gerald Anderson na sana'y mapatawad umano siya ni Bea Alonzo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa na namang maanghang na patutsada ang nailabas ni Janus Del Prado sa kanyang Instagram post ngayong Agosto 23.

Nalaman ng KAMI na may mga 'paid trolls' ng umano na umaatake kay Janus. Ginamit niya ang mga intials na "G&J".

Read also

Janus Del Prado, nag-post tungkol sa pag-sorry ng isang taong hindi niya pinangalanan

Ayon sa aktor, wala naman umano siyang sinasabing masama sa taong mayroong intial na "J".

Janus Del Prado, may bagong patutsada sa mga taong 'di pinangalanan; "Ay natapon"
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

"Sabihin niyo kasi yang pa-victim niyo na master na huwag manipulahin yung mga tao sa paligid niya," pahayag ni Janus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isiniwalat din niya ang umano'y away na nangyari para lamang mapagtakpan umano ang milagrong ginawa sa set ng "MPY" na kinabibilangan ng isa pang initial na binagsak niya na "P".

"Pinatanggol pa naman namin lahat siya kay B. Muntik pa tuloy masira ang pamilya ng 'OMC'", ayon kay Janus.

Ito ay kasunod ng kanyang naunang post kung saan sinabi niyang dapat na mag-sorry rin sa kanila ang 'di pa rin pinangalanan gayung nagkagulo umano sila sa set dahil sa kalokohang pinagtakpan nila para rito.

Naging maingay ang mga pahayag na ito ni Janus matapos na magsabi si Gerald Anderson sa interview sa kanya ni Boy Abunda na sana'y mapatawad na umano siya ni Bea Alonzo.

Read also

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

Kapwa mga dating contract artists ng Star Magic sina Janus at Bea. Nagkasama sila sa ilang mga pelikula kagaya ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Kilala rin si Janus bilang isa sa mga tagapagtanggol ni Bea nang pumutok ang umano'y 'ghosting issue' nito ng dating kasintahan na si Gerald Anderson.

Matatandaan ding makailang beses na dinepensahan ni Janus ang malapit na kaibigang si Bea sa kontrobersiyang hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel