Janus del Prado, pinagtanggol si Bea Alonzo matapos ang pahayag ng isang direktor

Janus del Prado, pinagtanggol si Bea Alonzo matapos ang pahayag ng isang direktor

- Muling pinagtanggol ni Janus del Prado ang kaibigang si Bea Alonzo kaugnay sa mga naging pahayag ng isang direktor patungkol sa paglipat niya ng estasyon

- Sa kanyang Instagram post, idinagdag ni Janus ang kanyang patutsada kaugnay sa pagkakabanggit sa farm ng kaibigan

- Matatandaang isang direktor ang nagpahayag ng kanyang saloobin hinggil sa isang aktres na lumipat na hindi niya diretsahang pinangalanan

- Gayunpaman, nabanggit nito ang pagkuwestiyon sa naging desisyon nito dahil hindi naman umano ito naghihirap at may malaking farm pa nga daw ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling pinatunayan ni Janus del Prado ang kanyang pagiging tapat na kaibigan. Matapos lumabas ang ilang reaksiyon ng mga tao mula sa pinanggalingang estasyon ni Bea Alonzo, hindi pinalampas ni Janus ang mga ito.

7th article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post ay sinagot ni Janus ang tungkol sa pagkakabanggit ng isang direktor sa farm ni Bea bilang patotoo na hindi ito naghihirap kung kaya nakukwestiyon ang paglipat nito.

Read also

Bea Alonzo, inamin kay Jessica Soho na hindi pa niya kayang magpatawad

Ano kinalaman nung Farm niya sa paglipat niya? Regalo mo ba sa kanya yun Direk? Kailangan niya rin bang tanawin na utang na loob yun? Pinagpuyatan, pinaghirapan at pinag-ipunan niya yun. Kung manunumbat make sure may karapatan manumbat. Kala mo naman malaki naitulong mo sa career niya.Time! (mic drop) Chos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapwa mga dating contract artists ng Star Magic sina Janus at Bea. Nagkasama sila sa ilang mga pelikula kagaya ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007.

Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013. Bida rin dito sina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Enchong Dee.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Rendon Labador, nilinaw na hindi niya pino-promote ang karahasan

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel