Rendon Labador, nilinaw na hindi niya pino-promote ang karahasan

Rendon Labador, nilinaw na hindi niya pino-promote ang karahasan

- Matapos ang pag-viral ng pagsampal niya kay Kiko Matos, naglabas ng kanyang pahayag si Rendon Labador

- Nilinaw niyang walang kinalaman ang lahat ng affiliations niya at mga produktong iniendorso niya

- Naiintindihan niyang karapatan ni Kiko na magdemanda dahil sa kanyang nagawa sa naganap na Battle of the YouTubers: Rendon vs. Jonah

- Hindi niya umano pino-promote ang violence at hindi siya proud sa kanyang ginawa ngunit nais niyang ibahagi ang mensahe sa mga tao na huwag hayaang tapakan ng ibang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video na ibinahagi ni Rendon labador, sinabi niyang naiintindihan niyang karapatan ni Kiko Matos na magdemanda dahil sa kanyang nagawa.

Matatandaang naging usap-usapan ang tensiyon na namagitan sa kanila ni Kiko pagkatapos ng basketball match nila ni Jonah ng Brusko Bros. sa event na "Battle of the YouTubers."

Read also

Video ng concert ni Charice Pempengco, muling binalikan ng netizens

Rendon Labador, nilinaw na hindi niya pino-promote ang karahasan
Kiko Matos (@badassmatos)
Source: Instagram

Ayon pa kay Rendoon, hindi siya proud sa kanyang ginawa at hindi niya pinopromote ang violence ngunit nais niya umanong ibahagi ang mensahe na huwag hayaang tapakan ka ng ibang tao.

Aniya, ang ugali niya ay nakadepende sa taong kanyang kaharap. Hindi niya daw ito ginawa para ipakitang siya ang pinakamagaling. Nagpakatotoo lamang daw siya.

Panuorin ang kanyang pahayag dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Rendon matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Read also

Robi Domingo, pinakita ang kanyang sariling walk-in closet

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate