Masakit besh! Ex-BF at bride, napahagulhol na lang sa harap ng groom sa reception ng kasal

Masakit besh! Ex-BF at bride, napahagulhol na lang sa harap ng groom sa reception ng kasal

- Viral ang video ng isang lalaking napahagulhol sa kasal ng kanyang dating kasintahan

- Makikitang maging ang bride ay naging emosyonal din habang may ibinibigay sa kanya ang dating kasintahan

- Kalmado naman ang groom na nakuha pang kamayan ang ex ng bride na patuloy pa rin sa pag-iyak

- Magkahalong awa at pagtataka ang naramdaman ng karamihang netizens dahil sa nagawa ng ex-BF sa kasal ng babaeng kanyang minamahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halo-halong emosyon ang bumuhos sa viral video na binahagi ng AkocAne Kulitz Fun Page kung saan makikitang napaiyak ang ex-BF sa kasal ng kanyang babaeng minanahal.

May caption ang post na "Yong ikakasal na sa iba ang mahal mo, Ingatan mo siya."

Sa umpisa pa lang, makikita na ang paghagulhol ng lalaki na nasa harap ng bride at groom.

Mapapansin ding maging ang bride ay nag-iiyak na rin kahit pa katabi niya ang groom.

Maya-maya pa ay tila may ibinigay ang lalaki sa bride na singsing.

Lalong naging emosyonal ang dalawa at napayakap ang bride sa dating kasintahan.

Ang nakamamangha sa pangyayari, kalmado ang groom at nakuha pa nitong kamayan ang ex ng kanyang misis na nagpapakita ng masidhing emosyon sa naganap na kasalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, umani ng samu't saring reaksyon ang video na ito. Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:

"Oo masakit na ikakasal na siya sa iba"
"Masakit yan pero ang tapang nung lalaki ah"
"Dapat kasi di na nagpunta pa yung ex, pero at least walang gulo"
"Grabe, ang tapang nung bride at ex, pero nakakabilib yung groom... kalma lang"
"E kung sila talaga ang nagmamahalan, bakit nagpakasal pa sa iba yung lalaki"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel