Video ng concert ni Charice Pempengco, muling binalikan ng netizens
- Muling nag-viral ang video ni Charice Pempengco na kuha sa isang concert niya kasama si David Foster
- Ito ay matapos ibahagi ni Jake Zyrus (Charice) ang kwento sa likod ng performance niyang iyon
- Hindi pala naging madali sa kanya ang kanyang pagperform dahil sa bigat ng kanyang naramdaman
- Iyon daw ang unang pagkakataon na pinayagan siya na isuot ang damit na gusto niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ni Jake Zyrus ang kanyang pinagdaanang hirap dahil sa kanyang struggle sa kanyang sarili dahil sa kanyang pakiramdam na hindi siya babae.
Ramdam niya umano iyon kahit siya ay bata pa lamang at babae umano ang kanyang crush noon kahit bata pa lang siya.
Sa panayam ni Toni Gonzaga sa kanya, ibinunyag niya ang kanyang hirap kaugnay dito. Nabanggit niya ang tungkol sa isang performance niya kung saan pinayagan siyang magsuot ng damit na gusto niya.
Kadalasan siyang naka-bestida sa mga video na naibahagi sa internet noong hindi pa niya isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagkatao.
Kaya naman, muling nag-viral ang video ng performance niyang ito na kasama niya si David Foster:
Came here after watching Jake Zyrus' interview video with Toni Gonzaga.
She was on her darkest days but, she still gave a good show. What a strong person.
This hits different after watching Jake Zyrus' interview on ToniTalks
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.
Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh