Zeinab Harake, ibinida ang YouTube 'Diamond Play Button' kasama ang kanyang pamilya

Zeinab Harake, ibinida ang YouTube 'Diamond Play Button' kasama ang kanyang pamilya

- Natanggap na ni Zeinab Harake ang kanyang Diamond Play Button sa pagkakaroon niya ng mahigit 10 million YouTube subscribers

- Sa kanyang vlog, ibinahagi niya ang pag-unbox nito kasama ang kanyang anak na sina Lucas at Bia

- Sinabi niyang iyon ang mga 'importante' sa kanyang buhay na labis niyang ipinagpapasalamat

- Ipinakita rin niya ito sa kanyang partner na si Skusta Clee gayundin sa kanyang mga kapatid na binati siya sa maituturing na tagumpay na kanyang tinamasa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita ni Zeinab Harake ang natanggap niyang Diamond Play Button sa pinakabago niyang vlog ngayong Hunyo 30. Ito ay kanyang nakamit sa pagkakaroon ng mahigit 10 million subscribers sa YouTube.

Nalaman ng KAMI na sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ng kanyang mga "Zebbies" na magkasama sa iisang video ang kanyang mga anak na sina Lucas at Baby Bia.

Read also

Hashtag Kid Yambao, buong-tapang na inamin ang tungkol sa dating bisyo; "Praning na ako"

Naisipang gawin ni Zeinab ang unboxing video ng pinakahihintay niyang Diamond Play Button kasama ang kanyang mga anak na pawang mga mahahalaga sa kanyang buhay.

Zeinab Harake, ibinida ang YouTube 'Diamond Play Button' kasama ang kanyang pamilya
Photo: Zeinab Harake
Source: Instagram

Halos hindi makapaniwala si Zeinab sa tinatamasang tagumpay at biyaya na kanyang nakamit.

"Minsan napapatanong ako sa sarili ko na deserve ko ba'to? Kasi grabe akong i-bless ni God."

Sobra-sobra naman ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga supporters na siyang naging dahilan sa pagkakaroon niya ng 10.6 million subscribers sa ngayon.

Ibinahagi rin niya ang kanyang walang pagsidlan na kaligayahan sa partner niyang si Skusta Clee na binati siya sa nakamit na tagumpay. Gayundin ang mga kapatid niyang sumusuporta rin sa kanyang pagiging YouTuber.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may 10.5 million YouTube subscribers.

Read also

Househelp ni PNoy sa loob ng 30 taon, isa sa mga labis na nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw

Mahigit isang buwan na ang nakakaraan nang isilang ni Zeinab ang unang baby nila ng kanyang boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Matatandaang sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga noong Disyembre ng 2020, bukod sa pag-amin nitong siya ay nagdadalang-tao sa kanyang baby girl na si "Bia," naikwento rin niya ang tungkol sa kanyang adopted son na si Lucas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel