Househelp ni PNoy sa loob ng 30 taon, isa sa mga labis na nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw
- Isa si Yolly Yebes sa mga labis na nagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino
- Nasabi niyang labis siyang nasasaktan ngayong wala na si PNoy na itinuring niyang kapamilya
- Katunayan, matinding sakripisyo rin ang kanyang ginawa kung saan hindi na rin talaga siya umuuwi sa kanilang bahay sa pagsisilbi sa dating Pangulo
- Ito raw ay upang masigurong hindi siya makapagdadala ng anumang sakit sa pagbabalik niya sa Times St. sakaling siya ay umuwi
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Bukod sa mga kapatid, pamilya at mga kaibigan, isa si Yolly Yebes ang longtime househelp ng dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa mga labis na nagdadalamhati sa kanyang biglaang pagpanaw.
Nalaman ng KAMI na kasa-kasama na ni PNoy sa kanilang tahanan hanggang sa maging Pangulo ito ng bansa si Yolly sa loob ng 30 taon.
Matatandaang sa kanyang State of the Nation Address noong 2015, personal na pinadalo niya si Yolly na kanyang pinasalamatan sa hindi nito matatawarang serbisyo sa kanya.
"Si Yolly Yebes, na namamahala po sa aking tahanan, sinisigurong nakakain ako sa tamang oras. Inaayos ang aking gamit sa Pilipinas man o sa ibang bansa at kung minsan pa nga ay pinagkakatiwalaan kitang humawak ng dokumento na bibilinan para sa aking trabaho. Tunay mong ipinaramdam ang iyong kalinga, hindi lang sa akin kundi pati sa mga katrabaho ko sa gobyerno"
"Yolly, minabuti kong personal mong mapanood ang SONAng ito para masabi ko sa'yo, maraming salamat sa pakiki-ambag mo," ang bahagi ng pahayag ni PNoy sa SONA na dinaluhan ni Yolly na noo'y kasama rin ng mga kaanak ng dating Pangulo.
At ngayong wala na ang kanyang 'sir,' aminadong isa siya sa mga labis na nasasaktan sa pagpanaw ng isang mabuting amo na itinuring na siyang kapamilya.
"Ang sakit po, ang sakit talaga kasi para nang siya po 'yung pamilya ko," pahayag ni Yolly sa panayam sa kanya ni Vice President Leni Robredo na ibinahagi rin ng ABS-CBN News.
Tulad na lamang ngayong pandemya, minabuti niyang hindi na muna umuwi para lamang masiguro na hindi siya makapagdadala ng anumang sakit na baka mahawa ang dating Presidente.
Si Yolly ang nakapansin na tila hindi na gumagalaw si PNoy sa pwesto nito mula nang huli niya itong makita na nahihimbing sa pagtulog.
Agad niyang tinawag ang nurse upang masuri ang lagay ng dating Pangulo na nadala pa nila agad sa ospital. Subalit 6:30 ng umaga ng Hunyo 24, nakumpirmang pumanaw na si PNoy.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.
Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.
Isa rin sa labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulo ay ang kanyang longtime driver na si Nory Mariano. Mula pa noong taong 1977 kung saan first year college pa lamang noon si PNoy, driver na ito ng pamilya Aquino.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh