Zeinab Harake, proud mommy sa matalino niyang anak na si 'Lucas'

Zeinab Harake, proud mommy sa matalino niyang anak na si 'Lucas'

- Buong pagmamalaki na ibinahagi ni Zeinab Harake ang naging playtime niya sa anak na si Lucas

- Proud si Zeinab na lumalaking matalino ang panganay niya na isa rin daw "Inglesero"

- Nahulaan nito ang lahat ng mga pictures na ipinakita ng kanyang mommy Zeinab kaya naman nakakuha siya ng mga prize

- Kamakailan, naikwento rin ni Zeinab ang 'pressure' na nararamdaman niya sa pagiging isang 'first time mom'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Super proud ang YouTube Star na si Zeinab Harake sa kanyang 'panganay' na anak na si Lucas.

Sa kanyang vlog na ibinahagi ngayong Hunyo 19, ipinakita niya ang 'playtime' nila ni Lucas kung saan nagkaroon sila ng guessing game.

Zeinab Harake, proud mommy sa matalino niyang anak na si 'Lucas'
Photo: Zeinab Harake
Source: Facebook

Tuwang-tuwa si Zeinab kay Lucas na lumalaking matalino at sinabi niyang "Inglesero" pa raw talaga ito.

"Ipapakita naman sa inyo kung gaano siya katalinong bata, kasi kahit ako sumusuko makikita niyo kasi kahit ako mapapahiya sa video na ito."

Read also

Newlyweds na todo hataw sa kanilang 'dance number', kinagiliwan ng netizens

Lahat ng ipinakitang larawan ni Zeinab ay napangalanan ni Lucas at nang makakuha siya ng limang tamang sagot, nakuha niya ang kanyang unang premyo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Maging ang "engine" ay nakuha niya ng tama kaya naman lalong bumilib sa kanya ang kanyang Mommy Zeinab.

Lahat din ng mga pangalan ng bagay na kanyang ibinigay ay sa wikang Ingles maliban lamang sa salitang 'suklay.'

At bilang ikalawang premyo, nakatanggap siya ng 'Ryan's mystery egg' na naglalaman ng iba't ibang 'mystery toys' na paborito umano ni Lucas.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Zeinab Harake Youtube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may 10.5 million YouTube subscribers.

Read also

Lalaking 'di nakatiis at hiningi ang kinakain ng kapwa niya pasahero, kinagiliwan ng netizens

Mahigit isang buwan na ang nakakaraan nang isilang ni Zeinab ang unang baby nila ng kanyang boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Matatandaang sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga noong Disyembre ng 2020, bukod sa pag-amin nitong siya ay nagdadalang-tao sa kanyang baby girl na si "Bia," naikwento rin niya ang tungkol sa kanyang adopted son na si Lucas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel