Bea Alonzo, inamin kay Jessica Soho na hindi pa niya kayang magpatawad
- Diretsahang sinabi ni Bea Alonzo sa panayam sa kanya ni Jessica Soho na hindi pa niya kayang magpatawad
- Isa kasi ito sa mga napag-usapan nila sa panayam sa kanya ng batikang broadcast journalist
- Maging si Bea ay nagtataka raw sa kanyang sarili na magpasa-hanggang ngayon ay mayroon pa rin umano siyang tao na hindi pa pinatatawad
- Nabanggit naman niyang "happy" siya nang tanungin din ni Jessica ang tungkol namang sa ugnayan ng aktres kay Dominic Roque
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa sa mga naikwento ni Bea Alonzo sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa programa nitong Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang tungkol sa kanyang love life.
Nalaman ng KAMI na inihalintulad umano ni Bea sa pag-ibig ang pagtanggap niya ng mga role na ibinibigay sa kanya mapa-palikula man o sa telebisyon.
"Ilang beses na po akong nagkamali, sa pag-ibig pero hindi sa script"
At nang tanungin siya ni Jessica kung paano siya naka-move on sinabi niyang pinaligiran niya ang sarili ng mga taong mapagkakatiwalaan niya.
"Ang pamilya ko talaga ang parang pumulot ng pira-pirasong nahulog"
At diretsahan niyang inamin na magpasa-hanggang ngayon, hindi pa umano niya kayang magpatawad.
"Kahit ngayon, hindi ko masabi kung kaya ko na bang magpatawad and sometimes iniisip ko meron bang mali sa akin na hindi ko pa kayang magpatawad? Bakit ganito? parang naiinis pa rin ako!"
Matatandaan na ang pinakahuling naging nobyo ni Bea ay si Gerald Anderson na kasalukuyan namang kasintahan ni Julia Barretto.
Samantala, isa rin naman sa naitanong ni Jessica kay Bea ang tungkol sa ugnayan umano ng aktres kay Dominic Roque. Sinabi lamang nito na "happy" siya tungkol doon.
Narito ang kabuuan ng panayam ni Jessica Soho sa pinakabagong Kapuso actress na si Bea Alonzo:
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.
Katunayan, isa sa umantig sa puso ng marami ang ibinahagi nitong kwento ng mga guro na buwis-buhay na tumatawid sa rumaragasang tubig sa ilog makapaghatid lamang ng learning modules sa kanilang mga estudyante.
Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Source: KAMI.com.gh