Janus Del Prado, nag-post tungkol sa pag-sorry ng isang taong hindi niya pinangalanan

Janus Del Prado, nag-post tungkol sa pag-sorry ng isang taong hindi niya pinangalanan

- Muling naging usap-usapan ang makahulugang pasaring ni Janus Del Prado kaugnay sa isang taong umano'y nag-sorry kay B

- Kasunod ito ng paglabas ng balitang gustong humingi ng tawad ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo

- Tanong ni Janus, sa kanila ba ay hindi ito magso-sorry dahil pinag-away umano sila ng taong ito upang mapagtakpan lang ang kalokohan nito sa set

- Nabanggit din niya sa naturang post na magkaiba ang sawsawero sa idinamay at matatandaang naakusahan siyang sawsawero sa isyu noon nina Bea at Gerald

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pasabog ang mensaheng ibinahagi ni Janus Del Prado sa kanyang Instagram post ilang araw lamang ang nakakalipas matapos lumabas ang panayam ni Boy Abunda kay Gerald Anderson kung saan sinabi niyang gusto niyang mag-sorry sa kanyang ex-girlfriend.

Janus del Prado, nag-post tungkol sa pag-sorry ng isang taong hindi niya pinangalanan
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

Ani Janus, hindi daw ba ito magso-sorry sa kanila ng OMC team at kay Direk dahil sa umano'y pinag-away-away sila para lang mapagtakpan ang ginawa nitong kalokohan.

Read also

Ina ni Heaven Peralejo, hinamon si DJ Chacha na pangalanan ang tinutukoy niya sa tweet

Dagdag pa ni Janus, magkaiba ang pagiging sawsawero sa idinamay. Matatandaang inakusahang nakikisawsaw si Janus nang magsalita ito sa gitna ng kontrobersiyal na isyu ng hiwalayang Bea at Gerald.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala mang binanggit na pangalan ang aktor, karamihan sa mga nababanggit ng netizens sa comment section ng post na ito ni Janus ang pangalang "Budoy."

Sa kasunod naman na post tungkol sa pagbibigay ng pagkakataon sa taong naging mapanira.

Kapwa mga dating contract artists ng Star Magic sina Janus at Bea. Nagkasama sila sa ilang mga pelikula kagaya ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007.

Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013. Bida rin dito sina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Enchong Dee.

Read also

Alex Gonzaga, viral dahil sa kanyang picture kasama ang anak ni Janella Salvador

Bilang isa sa malalapit kay Bea, ilang beses nang ipinagtanggol ni Janus ang kaibigan. Sa katunayan ay isa ito sa nagsalita nang pumutok ang balita kaugnay sa hiwalayang Bea at Gerald.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel