Ina ni Heaven Peralejo, hinamon si DJ Chacha na pangalanan ang tinutukoy niya sa tweet

Ina ni Heaven Peralejo, hinamon si DJ Chacha na pangalanan ang tinutukoy niya sa tweet

- Diretsahang binanggit ng ina ni Heaven Peralejo ang pangalan ng sikat na DJ na si DJ Chacha kaugnay sa naging tweet nito kamakailan

- Ani Luanne Peralejo, kung talagang matapang ang mga taga-showbiz na gusto mag promote ng bashing, dapat pangalanan nila ang artistang kanilang pinaparinngan

- Matatandaang naging usap-usapan ang tweet ni DJ Chacha tungkol sa umano'y pang-aagaw sa karelasyon

- Wala itong binaggit na pangalan ngunit nagkataong ibinahagi niya ito sa kasagsagan ng pagsasapubliko nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo ng kanilang relasyon kaya marami sa mga netizens ang iniugnay ang kanyang tweet

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Buong tapang na pinangalanan ni Luanne Peralejo, ang ina ni Heaven Peralejo ang sikat na DJ na si DJ Chaha kaugnay sa kontrobersiyal na tweet nito kamakailan kaugnay sa payo niyang huwag ugaliin ang mang-agaw ng karelasyon ng iba dahil madadala umano ito hanggang pagtanda.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Ina ni Heaven Peralejo, hinamon si DJ Chacha na pangalanan ang tinutukoy niya sa tweet
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Ayon sa ina ng aktres, dapat sa mga taga-showbiz na nag-promote ng bashing, pangalanan ang kanilang mga tinutukoy. Diretsahan din nitong binanggit sa kanyang tweet ang Twitter handle ni DJ Chaha.

Yung mga taga showbiz dyan na gusto mag promote ng bashing pero puro encrypted message mag tag kayo kung matapang talsga kayo. Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention. Oo para sayo to @_djchacha

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati . Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Read also

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Nauna nang pinabulaanan ni Heaven na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Kiko at ex-girlfriend nitong si Devon Seron.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel