Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

- Naikwento ni Ogie Diaz ang sitwasyon kung saan aminado siyang nasaktan sa mga nagawa sa kanya noon ng fans ni Charice Pempengco

- Ito ay matapos umano niyang maisulat noon ang kanyang naobserbahan na "kapatid sa pagiging LGBTQ" si Charice

- Dumating talaga sa punto na nai-delete niya ang kanyang Twitter account dahil sa matitinding salita na ibinabato sa kanya ng fans ng singer

- Ngunit nang umamin ito tungkol sa kanyang kasarian, hindi naman daw siya nagtanim ng sama ng loob ngunit napatunayan niyang tama ang kanyang napansin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang pinakabagong vlog, naibahagi ni Ogie Diaz ang hindi niya malilimutang insidente kung saan napaiyak siya ng mga fans ni Charice Pempengco.

Nalaman ng KAMI na nagsimula ang isyu nang maisulat ni Ogie ang naging obserbasyon niya noon kay Charice na nilarawan niyang "kapatid sa LGBTQ."

Read also

Isko Moreno, balak magretiro sa edad na 50; "gastadong-gastado na ako"

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco
Ogie Diaz (Photo credit: Ogie Diaz YouTube Channel)
Source: Facebook
"Nakita ko siya, parang may naamoy akong something. Parang aktor, naamoy ko... 'ay kapatid ito' eto kasi, na ano ko na ganun din na 'ay parang may pagka-ano si Charice."

Kaya naman nang masabi at maisulat niya ito, talagang halos isumpa raw umano siya ng mga fans ng singer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nakakaloka, talagang parang gusto kong gumuho ang mundo ko... Halos tigukin nila ako sa mga tweet nila"

Dahil dito, dumating pa raw sa punto na nai-delete niya ang Twitter account niya sa mga nangyayari.

Kalaunan, umamin na rin si Charice ukol sa kanyang kasarian na ngayo'y kilala na bilang si Jake Zyrus

"Vindicated ako, na Oh my God! Tama pala ako pero hindi ko sinasabing nakajackpot ako dahil sa pag-amin ni Charice Pempengco na ngayo'y si Jake Zyrus na," pahayag ni Ogie.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi naman nagtanim ng galit si Ogie. Hindi na rin umano niya inasahang magso-sorry ang mga fans noon ni Charice gayung tama pala ang kanyang naging pahayag.

Narito ang kabuuan ng video mula YouTube channel ni Ogie Diaz:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang kanyang mga video sa kanyang YouTube channel dahil sa mga maiinit na showbiz updates at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel