91-anyos na gumagapang, napakanta sa saya nang matulungan ng pamilya ni Raffy Tulfo
-Talagang napakanta sa saya ang isang 91-anyos na lolo na natulungan ng pamilya ni Raffy Tulfo
- Hiling ng apo nito na magkaroon ng wheelchair para sa lolo na hirap nang lumakad mula nang maaksidente sa pagtatrabaho
- Bukod sa mga napagbentahan nina Tulfo at ng kanyang misis na si Rep. Jocelyn sa Idol Shopping network, nagpaabot din ng karagdagang tulong ang anak nilang si Ralph
- Kaya naman maliban sa wheelchair, nabilhan pa ang lolo ng iba pa nitong pangangailangan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Walang pagsidlan ng kasiyahan ang 91-anyos na si Lolo Erenio Casumpang nang dinggin ni Raffy Tulfo ang panawagan niyang magkaroon ng wheelchair.
Nalaman ng KAMI na ang apo ni Lolo Erenio na si Roselyn Mansalon ang lumapit sa programang 'Wanted sa Radyo' para matulungan ang kanyang lolo na gumagapang na at hindi na talaga makalakad.
Kwento ni Roselyn, nagkakarga noon ng tubo ang kanyang lolo nang mahulog ito at naging dahilan ng hindi na niya paglakad ng maayos.
Makikita sa video na gumagapang na lang talaga ang matanda at bahagyang nakakatayo para lamang siya ay makaupo agad.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa pamamagitan ng napagbentahan nina Tulfo at misis nitong si Rep. Jocelyn Tulfo sa mga gamit nilang nila sa kanilang 'ISN' o 'Idol Shopping Network', nabigyan nila ng Php25,000 si Lolo Ernio para sa wheelchair nito at mga vitamins gayundin ang request nitong pagkain tulad ng litsong manok.
Bigla namang naisip ni Tulfo na tawagan ang anak na si Ralph kung nais nitong magdagdag ng tulong para kay lolo Erenio.
Hindi naman ito tumanggi at tinapatan ang halagang naibigay ng kanyang mga magulang na Php25,000 kaya naman umabot sa Php50,000 ang kabuuang tulong nila para sa matanda.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh