Idol Raffy, sinabing sisiguraduhin niyang makukulong si Raf Davis
- Dumulog na sa programa ni Idol Raffy Tulfo ang dating kasintahan ng rapper na si Raf Davis kaugnay sa reklamo nito
- Ikinuwento ni Nina Yborha at ng kanyang ama ang kanilang naging karanasan sa rapper at ibinahagi din nila ang kanilang mga ebidensiya
- Bukod kay Nina, marami pa umanong mga babae ang lumutang at nagreklamo at handang magsampa ng kaso laban kay Raf
- Sinigurado naman ni Idol Raffy na makukulong ang rapper dahil sa lahat ng kanyang ginawa sa mga nagrereklamong kababaihan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi na nakipag-usap si Raf Davis sa mga taga Raffy Tulfo in Action matapos siyang ireklamo ng dating kasintahang si Nina Yborha at ng kanyang ama kaugnay sa mga pambabastos at pang-aabuso nito.
Kwento ni Nina, hindi na niya matandaang ang lahat ng pagkakataong napagbuhatan siya ng kamay dahil maraming beses na umanong ginawa sa kanya ni Raf iyon.
Maging ang ama ni Nina ay hindi umano nakaligtas sa mga pambabastos nito nang komprontahin siya dahil sa kanyang ginawa kay Nina.
Sa kabutihang palad ay nai-save nila ang mga ebidensiya at naipakita iyo kay Idol Raffy.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bukod kay Nina, marami pa umanong mga babae ang lumutang at nagreklamo at handang magsampa ng kaso laban kay Raf.
Naniniwala din si Atty. Gareth Tungol ng ACTS-CIS na may psycological disorder umano ang rapper dahil sa dami ng nagrereklamo sa kanya.
Sinigurado naman ni Idol Raffy na makukulong ang rapper dahil sa lahat ng kanyang ginawa sa mga nagrereklamong kababaihan
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman. Marami din sa mga social media isyu ang naging usapan kamakailan.
Isa sa pinakamainit na usapin ay ang tungkol sa umano'y pagpapasaring ng kampo ni Ethel Booba sa kampo ni Madam Inutz matapos ang naudlot na pagkikita sana nila nang pumunta si Ethel sa bahay ng sikat na online seller.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh