Madam Inutz, pinakita ang kanyang ina na aniya'y isa sa dahilan ng kanyang pagsisikap

Madam Inutz, pinakita ang kanyang ina na aniya'y isa sa dahilan ng kanyang pagsisikap

- Hindi maipagkakailang sumikat nang husto si Daisy Lopez o mas kilala sa bansag na Madam Inutz

- Siya ang online seller na nag-viral dahil sa nakakaaliw na paraan niya ng pagtitinda na talaga namang umagaw ng atensiyon ng karamihan

- Sa kabila ng kanyang pagiging masiyahin, may mga taong hindi nagugustuhan ang kanyang paraaan ng pananalita kaya mayroong nagre-report ng kanyng live selling

- Gayunpaman, ibinahagi ni Madam Inutz ang isa sa dahilan sa kanyang pagsusumikap upang makabenta-ang kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bentang-benta sa netizens ang pagiging kwela ni Daisy Lopez o mas kilala sa bansag na Madam Inutz na nag-viral kamakailan.

Marami sa mga netizens ang naaliw sa pagiging masiyahin at mapagbiro ng onl;ine seller. Gayunpaman, isa sa kanyang dinadaing ay ang mga taong nag-re-report ng kanyang online selling video.

Read also

Vice Ganda sa regalong bahay sa pamilya: "Hangga't may chance, ibigay ko na 'yung bongga!"

Madam Inutz, pinakita ang kanyang ina na aniya'y isa sa dahilan ng kanyang pagsisikap
Daisy_licious Ukay
Source: Facebook

Mayroong mga taong hindi nagugustuhan ang kanyang paraan ng pananalita. Sa kanyang video na ibinahagi, marami ang naantig sa pagiging mabuting anak ni Madam Inutz dahil sa kanyang pagbebenta nakukuha niya ang kanyang pambili ng pangangailangan ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya sana ay huwag na umanong i-report ang kanyang video.

Marami naman sa mga netizens ang lalong humanga sa kanya.

Sa likod ng palamurang bibig ay napaka mapag mahal na anak mo Lodi.
Kaya wag niyo ireport yung live ni madam! Mga mapagmalinis kasi.
Naiyak ako inutzzz. how sweet naman... Pray always, wag pansinin mga inggetra na nagrereport. Di nyo nakikita bakit ganun nalang c inutz mag olnine selling tas kau report ng report

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Read also

Isang online seller, kinaaliwan sa kanyang paraan ng pagbebenta

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel