Vice Ganda sa regalong bahay sa pamilya: "Hangga't may chance, ibigay ko na 'yung bongga!"

Vice Ganda sa regalong bahay sa pamilya: "Hangga't may chance, ibigay ko na 'yung bongga!"

- Sinurpresa ni Vice Ganda ang kanyang pamilya ng bago nilang tahanan

- Nagulat at talagang naging emosyonal ang kanyang mga mahal sa buhay sa regalong hindi nila inaasahan mula kay Vice

- Paliwanag ni Vice, nais lamang niyang mapasaya ang kanyang pamilya sa panahong walang kasiguraduhan o walang katiyakan ang lahat

- Isa raw itong paraan para magbigay ng pag-asa sa kanyang mga mahal sa buhay para makapagsimula muli kahit mayroon pang pandemya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masaya si Vice Ganda sa naibigay na bagong bahay para sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang ina.

Nalaman ng KAMI na sa birthday dinner para sa kapatid niyang si Dr. Tina Viceral, dinala ni Vice ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa bagong bahay na bigay niya sa kanyang ina, mga kapatid at mga pamangkin.

Read also

Vice Ganda, emosyonal na pinasalamatan ng pamilya sa binigay nitong bagong bahay

Paliwanag ni Vice, marami siyang napagtanto sa buhay buhat nang mag-pandemya.

Vice Ganda sa regalong bahay sa pamilya: "I am the happiest 'pag pamilya ko ang napapasaya ko"
Viceral family (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram
"Na-realize ko ang uncertain ng life. Ta's meron na rin akong fear na 'oh my God, ako kaya kailan kaya ako babawiin. Sino kaya 'yung mas malalapit pa na mawawala."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, naisipan ni Vice na ibigay ang isa sa mga mahahalagang maireregalo ninuman sa kanilang pamilya at ito ang isang maganda, maayos at maaliwalas na tahanan.

Ani Vice, nais niyang maramdaman ang lahat ng pinagpaguran niyang naipong pera na nilaan naman niya talaga para sa kanyang mga mahal sa buhay.

"Gusto kong maramdaman ng family ko, ma-experience 'yung sarap hangga't nabubuhay ako, hangga't nabubuhay sila. Gusto ko lang maramdaman naming lahat 'yung masarap, 'yung masaya, 'yung maganda."
"Di ko rin alam kung hanggang kailan kami magkakasama. Hangga't may chance, gusto ko nang ibigay 'yung bongga hangga't kaya ko, hangga't kaya nilang makita. Hangga't kaya nilang ma-experience."

Read also

Nanay Rosario, inakalang 'prank' ang bagong bahay na regalo sa kanila ni Vice Ganda

Ayon pa kay Vice, tila pag-asa ang hatid ng pagkakaroon ng bagong tahanan ng kanyang pamilya sa gitna ng pandemya.

"'Yung makalipat sila ng bahay para maging excited sila ulit. Meron silang nilu-look forward. Bubuuin 'yung bahay, paggagandahin 'yung bahay. At saka may bago silang pakiramdam, bagong bahay ang inuuwian nila"

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Vice Ganda:

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 5.67 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel