Vice Ganda, emosyonal na pinasalamatan ng pamilya sa binigay nitong bagong bahay

Vice Ganda, emosyonal na pinasalamatan ng pamilya sa binigay nitong bagong bahay

- Emosyonal ang Viceral Family sa unexpected gift nila mula kay Vice Ganda

- Itinaon ni Vice sa birthday dinner para sa kanyang kapatid na si Dr. Tina Viceral ang 'big reveal' ng bagong tahanan

- Halos hindi makapaniwala ang Viceral family na talagang walang humpay ang pasasalamat kay Vice

- Maging ang mga pamangkin niya ay walang pagsidlan ng kasiyahan sa bagong bahay na handog sa kanila ng 'Unkavogable Phenomenal Star'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang nagulat ang Viceral family nang isurpresa sila ni Vice ganda ng bagong bahay.

Nalaman ng KAMI na itinaon ni Vice ang kanyang 'big reveal' ng bagong tahanan ng mga Viceral sa birthday celebration na inihanda naman niya para sa kapatid niyang si Dr. Tina Viceral.

Inakala ng pamilya at malalapit na kaibigan ni vice na magtutungo lamang sila sa venue ng dinner ngunit iyon na pala ang bahay na handog ni Vice para sa kanyang pamilya.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal sa araw na napanalunan ni Hidilyn Diaz ang gold medal

Vice Ganda, emosyonal na pinasalamatan ng pamilya sa binigay nitong bagong bahay
Vice Ganda, emosyonal na pinasalamatan ng pamilya sa binigay nitong bagong bahay (Screengrab from Vice Ganda YouTube channel)
Source: Instagram

Halos hindi makapaniwala ang ina ni Vice na si Nanay Rosario na inakalang prank lamang ang malaki at napakagandang tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kapatid naman niyang may kaarawan ay labis na nagpasalamat kay Vice ngunit hindi raw sapat ang thank you sa lahat ng naitulong at naibigay ng 'unkavogable phenomenal star' sa kanilang pamilya.

Maging ang kanyang mga pamangkin na sina Camille at Christian ay hindi lubos maisip na patuloy silang bibigyan ng maayos at maalwang buhay ng kanilang Tito Vice.

"From Tambunting sa ganitong house is surreal na po."

"Thank you, thank you Tito Vice, kasi mula dati hanggang ngayon we're living in a comfortable life po. And mas ginagawa pa po niyang komportable 'di lang ako kundi 'yung buong family namin," pasasalamat ng pamangkin niyang si Camille.

Read also

Vice Ganda sa regalong bahay sa pamilya: "Hangga't may chance, ibigay ko na 'yung bongga!"

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Vice Ganda:

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Sa kanyang naging pagtatanghal sa ASAP nitong Hulyo 11, emosyonal niyang kinanta ang awiting handog para sa ABS-CBN.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel