Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal sa araw na napanalunan ni Hidilyn Diaz ang gold medal

Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal sa araw na napanalunan ni Hidilyn Diaz ang gold medal

- Ibinahagi mismo nina Angel Locsin at Neil Arce ang video ng kanilang civil wedding

- Nagkwento na rin sila ng ilang mga detalye tungkol sa kanilang kasalan na gumulat sa publiko

- Sa kanilang masayang pagbabahagi, nabanggit nila ang mismong araw ng kasal kung kailan napanalunan din ni Hidilyn Diaz ang pinakaunang gold medal ng Pilipinas sa Olympics

- Kaya naman mas lalong naging memorable ang kanilang simple ngunit makabuluhang pag-iisang dibdib

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang nagkuwento ang bagong kasal na sina Angel Locsin at Neil Arce patungkol sa mga kaganapan bago hanggang sa mismong araw ng kanilang kasal.

Nalaman ng KAMI na bagaman church wedding talaga ang naka-plano para sa kanila, hindi ito naisakatuparan agad dahil sa pandemya.

Naikwento rin ni Neil na inakala niyang maaring isang araw na proseso lamang ang civil wedding.

Read also

Vice Ganda, emosyonal na pinasalamatan ng pamilya sa binigay nitong bagong bahay

Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal sa araw na napanalunan ni Hidilyn Diaz ang gold medal
Si Angel Locsin at ang kanyang mister na si Neil Arce (Photo credit: @therealangellocsin)
Source: Instagram

"Akala ko pwede kong tawagan si Mayor, 'mayor pwede mo ba kaming ikasal bukas?' di pala ganun 'yun," kwento ni Neil.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman agad nilang inasikaso ang mga papeles upang maisakatuparan na nila ang kanilang kasalan.

Nabanggit ni Angel na ikinasal sila bago pa man muling sumailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila noong Agosto 6.

Doon na naikwento ni Neil na ang araw ng kasal nila ay ang mismong araw kung kailan nanalo ng gintong medalya si Hidilyn Diaz sa Tokyo 2020 Olympics noong Hulyo 26.

"Tapos nanalo ng gold si Hidilyn. 'Yun yung topic habang kumakain. 'Nanalo ng gold si Hidilyn"

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa The Angel and Neil YouTube Channel:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Read also

Maris Racal, ibinuking na 'before pandemic' pa nagsimula ang relasyon nila ni Rico Blanco

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang Agosto 7 lamang nila isinapubliko na ikinasal na pala sila ni Neil Arce. Marami ang natuwa para sa dalawa lalong-lalo na ang matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana. Nag-viral pa ang mga larawan nitong labis na umiiyak sa saya sa seremonya ng kasal nina Angel at Neil.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel