Angel Locsin, ibinahagi ang mga emosyonal na pictures ni Dimples Romana

Angel Locsin, ibinahagi ang mga emosyonal na pictures ni Dimples Romana

- Ibinahagi ni Angel Locsin ang mga pictures ng kanyang matalik na kaibigang si Dimples Romana na kuha sa kanyang kasal

- Makikita kung gaano naging emosyonal si Diomples sa mga ibinahaging pictures ni Angel

- Marami sa mga ibang celebrities ang naaliw at naantig sa pagkakaibigan ni Angel at Dimples

- Isa si Dimples sa witness sa naganap na civil wedding nina Angel at Neil kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Angel Locsin ang kanyang appreciation para sa kanyang matalik na kaibigang si Dimples Romana. Makikita sa mga pictures na kanyang ibinahagi sa Instagram na naging emosyonal si Dimples.

Angel Locsin, ibinahagi ang mga emosyonal na pictures ni Dimples Romana
Neil Arce at Angel Locsin (@neil_arce)
Source: Instagram

Ibinahagi din ni Angel ang naging pag-uusap nila noong sinabihan niya ang kaibigan na maging witness sa kasal niya.

Matatandaang ginulat nina Neil at Angel ang kanilang mga fans matapos nilang isapubliko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Read also

Jessy Mendiola, pinagsabihan ang isang basher na nanglait kay Angel Locsin

Marami ang nagulat na ataliwas sa inaasahan ng marami na church wedding ay simpleng civil wedding ang naganap na kasal nila.\Gayunpaman, marami ang humanga sa pagiging praktikal ng dalawa lalo sa kasalukuyang panahon na marami ang naghihirap dahil sa pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Read also

Nanay ni Neil Arce, pinayuhan ang anak na maging ‘under’ kay Angel Locsin

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel