Angel Locsin at Neil Arce, isinapubliko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal

Angel Locsin at Neil Arce, isinapubliko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal

- Sa bagong vlog na ibinahagi ng The Angel and Neil Youtube channel, ipinasilip nila ang kanilang naging paghahanda sa kanilang paglilipat

- Kanya-kanya sila ng pag-eempake ng kanilang gamit na dadalhin nila sa kanilang bagong bahay

- Gayunpaman, sa huling bahagi ng video, isang surpresa ang ibinahagi ng dalawa

- Ilang mga pictures na kuha sa kanilang kasal ang kanilang ibinahagi sa kauna-unahang pagkakataon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang halos tatlong buwan, muling nagbahagi ng vlog sina Angel Locsin at Neil Arce sa kanilang The Angel and Neil Youtube channel. Ibinahagi nila ang kanilang naging paghahanda sa paglilipat ng kanilang mga gamit sa kanilang bagong bahay.

Angel Locsin at Neil Arce, isinapubliko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal
Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage)
Source: Getty Images

Kanya-kanya sila ng pag-eempake sa tulong ng ilang taong malalapit sa kanila.

Gayunpaman, sa dulong bahagi ng video ay isang rebelasyon ang ibinahagi nila.

Hindi na umano sila naghintay ng matagal matapos at nagpakasal na sila. Ilang mga pictures ang kanilang ibinahagi sa dulong bahagi ng video.

Read also

Maria Hofs, binigyan si Marjorie Abastas ng pera bukod pa sa bayad niya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang mga magulang.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel