Maria Hofs, binigyan si Marjorie Abastas ng pera bukod pa sa bayad niya
- Nagkapatawaran na sina Maria Hofs at Marjorie Abastas sa kanilang pangalawang paghaharap sa barangay
- Sa isang Facebook Live video ng Brigada News FM CEBU naibahagi ng Punong Barangay na nagbigay na ng kanyang bayad si Maria at may sobra pa itong ibinigay
- Mas pinili ng magkibalang kampo na magkapatawaran na at mag move on na sa kani-kanilang mga buhay
- Nagbahagi din ng kanyang mensahe si Maria kaugnay sa mga nangyari
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang natuwa na sa wakas ay nagkapatawaran na sina Marjorie Abastas at Maria Hofs matapos ang nagdaang mga araw na sila ang naging laman ng mga usap-usapan sa social media.
Sa isang live video sa Facebook na ibinahagi ng Brigada News FM CEBU, sinabi ng Punong Barangay ng Brgy. Sto. Niño na si Lourdes Ramirez na nagbayad na si Maria kay Marjorie at nagbigay pa ito ng pera maliban sa kanyang bayad.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Maria Hofs ang customer sa viral na video ni Marjorie Abastas. Naging kontrobersiyal ang isyu ng paniningil sa kanya matapos nitong kuwestiyonin ang food package ni Marjorie na aniya ay hindi "worth it" para sa sinisingil na 18,000.
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh