Labas ng bahay ni Maria Hofs na dinagsa ng mga tao, binantayan ng mga otoridad

Labas ng bahay ni Maria Hofs na dinagsa ng mga tao, binantayan ng mga otoridad

- Dahil sa lalong pinag-uusapang isyu ng food package ni Marjorie Abastas, marami sa mga netizens ang naengganyo magpa-picture sa labas ng sikat na bahay ni Maria Hofs kung saan naganap ang party

- Marami din sa mga tao ang nagpapicture kasama si Maria Hofs kapag natyempuhang nasa labas ito

- Sa pagdami ng mga tao, minabuti ng CCTO o Cebu City Transportation Office na pumwesto doon upang masiguradong masunod ang pinapatupad na batas trapiko

- Paliwanag ng isa sa mga nakapwestong otoridad, bawal na mag-park sa nasabing lugar dahil national road umano iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi man lahat ay sumang-ayon sa ginawa ni Maria Hofs kay Marjorie Abastas, marami sa mga napapadaan sa tapat ng sikat na bahay ni Maria ang nagpapa-picture. Noong una ay sa bahay lamang sila nagpapa-picture. Kinalaunan ay maging kay Maria, marami ang nagpapa-picture.

Read also

Tiktoker na minura si Yorme Isko Moreno, napaiyak habang humingi ng dispensa

Labas ng bahay ni Maria Hoffs na dinagsa ng mga tao, binantayan ng mga otoridad
Food Supplier (Photo: Marjorie Alison)
Source: Facebook

Sa isang video na ibinahagi ng Reynan's Vlog YouTube channel, makikitang may mga taga- Cebu City Transportation Office na naka-pwesto sa kalsada sa tapat ng bahay ni Maria.

Ito ay upang mabantayan at masiguradong hindi malabag ang batas trapiko na pinapairal sa nasabing lugar.

Bawal umanong mag-park sa nasabing daanan dahil national road iyon at mahigpit na pinagbabawal iyon ayon sa isang taga CCTO.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Maria Hofs ang customer sa viral na video ni Marjorie Abastas. Naging kontrobersiyal ang isyu ng paniningil sa kanya matapos nitong kuwestiyonin ang food package ni Marjorie na aniya ay hindi "worth it" para sa sinisingil na 18,000.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Read also

Madam Maria Hofs, pinagbigyan ang mga taong nagpapa-picture sa kanya

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate