Tiktoker na minura si Yorme Isko Moreno, napaiyak habang humingi ng dispensa
- Agad na nag-viral ang video ng isang TikToker na minura si Manila Mayor Isko Moreno sa social media
- Kasunod nito ay boluntaryo umano siyang pumunta sa opisina ng Special Mayor's Reaction Team para humingi ng tawad
- Nilinaw niyang hindi niya sinadya iyon at nadala lamang siya ng kalasingan
- Naiyak ito habang humihingi ng dispensa sa mayor at nilinaw na alam niyang maraming nagawang maganda si Yorme bilang mayor ng Maynila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang TikToker ang nag-viral kamakailan matapos niyang pagmumurahin si Manila City Mayor Isko Moreno sa isang video na kumalat sa social media. Kasunod nito ay boluntaryo umano siyang pumunta sa opisina ng Special Mayor's Reaction Team para humingi ng tawad.
Nilinaw nitong hindi niya sinadya ang kanyang mga nasabi at nadala lamang siya ng kanyang kalasingan noong mga oras na iyon.
Alam din daw niyang marami na ang nagawa ni Yorme para sa Maynila.
Bilin naman daw ni mayor sa tauhan sa Special Mayor's Reaction Team, kausapin at payuhan na lamang ang lalaki. Ayaw sana umanong pansinin ni Yorme ang nasabing isyu.
Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nagalit sa kanyang nagawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh