Madam Maria Hofs, pinagbigyan ang mga taong nagpapa-picture sa kanya
- Matapos ang pag-viral ng video ni Marjorie Abastas, naging instant tourist attraction ang bahay ni Maria Hofs sa Cebu
- Matatandaang naibahagi niya sa isang panayam na nabahala siya para sa kaligtasan niya at ng kanyang mga pamilya
- Gayunpaman, makalipas ang ilang araw, may mga video na kumakalat sa social media kung saan makikita si Maria na pinagbibigyan ang mga taong nais magpa-picture sa kanya
- Makikita sa isang video na maraming mga tao ang naroroon upang makapagpalitrato kasama niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Bilang isa sa bansang may mataas na bilang ng mga taong gumagamit ng social media at internet, hindi nakakapagtakang sumikat nang husto ang bahay at maging si Maria Hofs kasunod ng pag-viral ng video ni Marjorie Abastas kamakailan.
Sa kanyang mga naunang pahayag sa isang panayam, matatandaang ibinahagi ni Maria ang kanyang pangamba para sa kaligtasan nila ng kanyang pamilya dahil sa mga negatibong reaksiyon ng tao.
Gayunpaman, sa mga video na kumakalat sa kasalukuyan sa social media, tila marami na rin sa mga tao ang nais lamang magpalitrato sa kanya. Makikita na maraming tao ang naroroon sa tapat ng daanan paakyat sa bahay nila para lang makapag papicture sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh