Mader Sitang, muling sumailalim sa pagpaparetoke kamakailan

Mader Sitang, muling sumailalim sa pagpaparetoke kamakailan

- Muling nagbahagi ng update si Mader Sitang sa kanyang social media kaugnay sa kanyang pagpapaganda

- Sa isang video ay makikita ang pagbabago sa mata ng Thai social media personality

- Matatandaang naging usap-usapan kamakailan si Mader Sitang matapos niyang ibahagi ang naging resulta ng kanyang pagpaparetoke

- Sumikat si Mader Sitang dahil sa mga viral videos ng kanyang sayaw at pag he-head bang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling umani ng mga reaksiyon ang isang video ni Mader Sitang kung saan pinakita niya ang kanyang new look matapos muling sumailalim sa pagpaparetoke.

Ibinahagini Mader Sitang ang isang video kung saan makikita ang malaking pagbabago sa kanyang mga mata.

Mader Sitang, muling sumailalim sa pagpaparetoke kamakailan
Mader Sitang (สิตางศุ์ บัวทอง)
Source: Instagram

Kamakailan lang ay sumailalim siya sa pagpaparetoke ng kanyang ilong at baba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Madam Maria Hofs, pinagbigyan ang mga taong nagpapa-picture sa kanya

Sumikat si Mader Sitang dahil sa mga viral videos ng kanyang sayaw at pag he-head bang. Marami ang nang bash sa kanya dahil sa mga videos na iyon ngunit nabago naman iyon nang mapag-alaman ng marami na tumulong daw ito sa ilan nating kababayan na sinalanta noon ng bagyong Yolanda.

Gayunpaman, muli itong nabago matapos ang kontrobersiya sa pagitan nila ng noon sana'y tatayong international manager niya na si Wilbert Tolentino na siya din naging daan upang makapunta sa Pilipinas ang sikat na social media sensation.

Naging maingay ang pagbisita ng social media sensation na si Mader Sitang sa Pilipinas lalo na at namigay pa ito ng mga pagkain at pera.

Kaya naman marami ang hindi makapaniwala sa mga lumalabas na balita tungkol kay Mader Sitang. Ibinahagi ni Wilbert ang diumano'y hindi magandang karanasan niya sa Thailand.

Ayon sa salaysay ni Wilbert, sinalubong naman siya ni Mader Sitang sa airport ngunit iniwan din daw siya nang mapag-alamang wala itong dalang pera.

Read also

Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto

Hiniling ni Tolentino na madeklarang persona non grata ang sikat na social media star matapos maudlot ang pagpirma sana nito ng five-year managerial contract.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel