Fake news?! Mader Sitang, inakusahang pekeng human rights lawyer

Fake news?! Mader Sitang, inakusahang pekeng human rights lawyer

- Matapos hindi matuloy ang pagpirma ng kontrata ni Mader Sitang, nilabas ni Wilbert Tolentino ang diumano'y tunay na pagkatao ng internet sensation

- Nalantad diumano na peke ang pakilala ni Mader Sitang na isa siyang human rights lawyer

- Isiniwalat ni Wilbert Tolentino ang kanyang dinanas sa sikat na social media sensation

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ninais ni Wilbert Toelntino, Mr. Gay World Philippines 2009 na madeklarang persona non grata ang sikat na social media star na si Mader Sitang. Ito ay matapos maudlot ang pagpirma sana nito ng five-year managerial contract.

Sa kanyang pahayag sa Pep, ibinunyag ni Wilbert ang natuklasan tungkol sa internet sensation.

"Isa lamang pala siyang malaking palabas. Palabas na may pansariling interest. Interest na ganid sa pera...”

“Napag-alaman namin na hindi pala siya totoong lawyer! Walang katunayan na nagpadala siya ng tulong sa mga biktima ng Yolanda!

“Ni hindi siya tumulong sa mga kababayan niya noong nagka-tsunami sa Thailand!”

Si Wilbert ang international manager ni Mader Sitang na siya din naging daan upang makapunta sa Pilipinas ang sikat na social media sensation.

Naging maingay ang pagbisita ng social media sensatuion na si Mader Sitang sa Pilipinas lalo na at namigay pa ito ng mga pagkain at pera.

Kaya naman marami ang hindi makapaniwala sa mga lumalabas na balita tungkol kay Mader Sitang. Ibinahagi ni Wilbert ang diumano'y hindi magandang karanasan niya sa Thailand.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa salaysay ni Wilbert, sinalubong naman siya ni Mader Sitang sa airport ngunit iniwan din daw siya nang mapag-alamang wala itong dalang pera.

Sa kanyang Facebook Account ay naglabas ng rin ng pahayag si Mader Sitang. Ibinahagi niya rin ang nilalaman ng contract.

Sumikat si Mader sitang dahil sa mga viral videos ng kanyang sayaw at pag he-head bang. Marami ang nang bash sa kanya dahil sa mga videos na iyon ngunit nabago naman iyon nang mapag-alaman ng marami na tumulong pala ito sa ilan nating kababayan na sinalanta noon ng bagyong Yolanda.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel