Vice Ganda, emosyonal bago magtanghal sa 'ASAP Kapamilya Forever'

Vice Ganda, emosyonal bago magtanghal sa 'ASAP Kapamilya Forever'

- Naging emosyonal si Vice Ganda bago pa man ito magtanghal sa 'ASAP Kapamilya Forever'

- Inawit ni Vice ang kantang naisulat para sa ABS-CBN bilang paggunita sa mahigit na isang taon na pagpapasara nito

- Habang kumakanta, kapansin-pansin ang tindi ng emosyon na ipinakikita ng 'Unkabogable Phenomenal Star"

- Isa si Vice Ganda sa mga artistang nanatili sa Kapamilya network sa kabila ng pinagdaraanang pagsubok ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging agaw-eksena ang pagtatanghal ni Vice Ganda sa 'ASAP Kapamilya Forever' ngayong Hulyo 11.

Nalaman ng KAMI na naging emosyonal muna ito bago kantahin ang awit na kanyang naisulat umano sa pagpapasara sa ABS-CBN, isang taon na ang nakalilipas.

Vice Ganda, emosyonal bago magtanghal sa 'ASAP Kapamilya Forever'
Photo: Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram
"Kumusta ka na mahal kong ABS-CBN? Nakita ko kung paano ka nila sinaktan; kung paano ka nila isinubsob; patuloy na sinisipa habang nakayuko at nakadapa"

Read also

OFW, emosyonal nang makita sa unang pagkakataon ang naipatayong tahanan

"Sa araw na ito, hayaan mong alayan kita ng isang awitin na naisulat ko habang binabalik-balikan ko ang nagdaang isang taon"

Hango ito sa musika ni Ice Seguerra na "Anong nangyari" na pinalitan lamang ni Vice ng ilang mga lyrics upang mas tumugma sa kalagayan ng ABS-CBN hanggang ngayon.

Habang kinakanta ito ni Vice, mapapansin ang tindi ng emosyon na ibinibigay niya sa awitin.

Kitang-kita rin kung paano pigilan umano ni Vice ang kanyang mga luha habang binibitawan ang bawat liriko ng awitin.

Isa si Vice Ganda sa mga artistang nanatiling 'Kapamilya' sa kabila ng pagsubok na hanggang ngayo'y pinagdaraanan ng ABS-CBN.

Narito ang kabuuan ng kanyang awitin mula sa ASAP Na'tin 'to:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Read also

Vice Ganda, ipinarinig sa publiko ang awit na naisulat para sa ABS-CBN

Sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz kamakailan, inamin nitong bumabalik na naman ang sakit sa bato na dati niyang dinanas at talaga umanong nahirapan siya.

Sa ngayon, nag-gagamot si Vice para sa kanyang karamdaman habang patuloy pa rin ang pagpapasaya niya sa 'madlang pipol'

Isa rin sa mga naibahagi niya ang saya ng kanyang 'love life' ngayon kasama ang kasintahang si Ion Perez. Nabanggit din niya ang mga bagay na kanyang isinakripisyo dahil ayon sa kanya si Ion lang ay 'sapat' na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel