Nanay Rosario, inakalang 'prank' ang bagong bahay na regalo sa kanila ni Vice Ganda

Nanay Rosario, inakalang 'prank' ang bagong bahay na regalo sa kanila ni Vice Ganda

- Sinurpresa ni Vice Ganda ang kanyang pamilya ng bago at mas malaking tahanan

- Hindi makapaniwala ang kanyang pamilya nang dinala niya ang mga ito sa bagong "home" ng Viceral family

- Inakala lamang kasi nilang birthday dinner ito na inihanda ni Vice para sa kanyang kapatid na si Dr. Tina Viceral

- Maging ang kanyang ina na si Nanay Rosario ay inakalang prank lamang ni Vice ang pagbibigay sa kanila nito ng bagong bahay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang bonggang surpresa ang inhanda ni Vice Ganda hindi lamang para sa kapatid niyang si Dr. Cristina “Tina” Viceral na nagdiwang ng kaarawan kundi maging sa kanyang buong pamilya.

Nalaman ng KAMI na bukod sa birthday surprise ni Vice para sa kanyang kapatid, itinaon na rin niya ang pagdadala sa kanyang pamilya sa bagong bahay na handog niya para sa mga ito.

Read also

Vice Ganda sa regalong bahay sa pamilya: "Hangga't may chance, ibigay ko na 'yung bongga!"

Inakala ng Viceral family na pupunta lamang sila sa birthday dinner ng kanilang Dr. Tina.

Nanay Rosario, inakalang 'prank' ang bagong bahay na regalo sa kanila ni Vice Ganda
Vice Ganda with family (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ngunit pagpasok nila sa lugar, ipinakita na ni Vice ang nakasulat sa pader ng bahay na 'Welcome to your new home, Viceral family"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagulat talaga ang kanyang pamilya na hindi agad nakapagsalita sa surpresa sa kanila ni Vice.

"'Yan ka naman anak e, pina-prank mo ata ako!" ang nasabi ni Nanay Rosario na hindi agad makapaniwala sa bonggang regalo sa kanila ng nag-iisang 'Unkavogable Phenomenal Star.'

Sunod nang ipinakita ni Vice ang bawat sulok ng bagong bahay ng kanyang pamilya.

Hanggang sa matapos ang video, tila hindi pa rin daw mag-sink in kay Nanay Rosario ang napakagandang handog sa kanya ng kanyang 'Tutoy.'

"Hindi pa rin nagsisink-in sa akin... hindi ko masabi," ang naiiyak na reaksyon ni Nanay Rosario na mababakas din ang kaligayahan sa biyayang natanggap.

Read also

Vice Ganda, emosyonal na pinasalamatan ng pamilya sa binigay nitong bagong bahay

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Vice Ganda:

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Sa kanyang naging pagtatanghal sa ASAP nitong Hulyo 11, emosyonal niyang kinanta ang awiting handog para sa ABS-CBN.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel