Wilbert Tolentino, kinontra ang pahayag ng kampo ni Ethel na wala silang balak mag-vlog

Wilbert Tolentino, kinontra ang pahayag ng kampo ni Ethel na wala silang balak mag-vlog

- Matapos niyang mapanood ang naging pahayag ng kampo ni Ethel kaugnay sa isyu ng TukTok video, nag-live video din si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanyang panig

- Hindi siya kumbinsido sa pahayag na wala silang balak mag-vlog dahil suot ni Boobsie Wonderland ang attire niya kapag nagpe-perform siya

- Isa din sa dahilan ni Wilbert kung bakit siya mismo ay hindi palaging nakakapunta sa bahay ni Madam Inutz ay dahil sinusunod niya ang mga pinapatupad na protocols

- Hiniling niya rin sa mga tao na itigil na ang pamba-bash sa kampo nila Ethel kaugnay sa isyu

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos niyang mapanuod ang pahayag ng kampo ni Ethel Booba sa isyu kaugnay sa TikTok video na kanilang ginawa, minabuti ni Wilbert Tolentino na ibahagi din ang kanyang panig.

Wilbert Tolentino, kinontra ang pahayag ng kampo ni Ethel na wala silang balak mag-vlog
Madam Inutz at ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Tila hindi ito kumbinsido sa pahayag na walang balak mag-vlog ang kampo nila Ethel dahil msuot umano ni Boobsie Wonderland ang kanyang costume sa tuwing siya ay magpe-perform.

Read also

Ethel Booba, sumama ang loob na hindi man lang sinilip ni Madam Inutz

Nilinaw din niyang bilang malasakit sa ina ni Madam Inutz ay sumusunod siya at ang kanyang team sa mga safety protocols kaya kahit manager na siya ni madam Inutz ay dalawang beses pa lamang siya nakapunta sa bahay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabanggit niya rin na handa naman silang tanggapin ang lahat ng nalikom nina Ethel na pinadalang tulong mula sa mga tao at i-a-acknowledge naman ang mga donors.

Nabanggit din niya na sana sa susunod ay humingi ng sorrynang bukal sa loob at hindi lamang dahil naba-bash na ng mga tao.

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa umano'y pasaring daw ng kampo ni Ethel Booba

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel