Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa umano'y pasaring daw ng kampo ni Ethel Booba

Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa umano'y pasaring daw ng kampo ni Ethel Booba

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang nakarating na balita sa kanya tungkol sa pagpunta nina Ethel Booba sa bahay nila Madam Inutz

- May dala umano silang mga regalo para sa sikat na online seller ngunit hindi sila napagbigyang mag-vlog dahil hindi pumayag ang manager ni Madam Inutz

- Paglilinaw ni Ogie, bilang isang manager ay naiintindihan niya ang ginawa ni Wilbert Tolentino dahil nais umano nitong ipahinga muna ang online seller para hindi magsawa ang mga tao

- Ibinahagi niya ring "weird" ang paraan ng pag manage ni Wilbert dahil wala itong kukuning porsyento sa mga kikitain ni Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging palaisipan sa mga netizens ang TikTok video ni Ethel Booba kasama ang kanyang mga kaibigan kung saan nabanggit pa ng komedyanteng si Boobsie ang salitang "Inutz."

Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa umano'y pasaring daw ng kampo ni Ethel Booba
Ogie Diaz (www.facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

Dahil dito ay marami ang napaisip kung pasaring ba ito ng kampo ni Ethel kay Madam Inutz at sa manager nito.

Read also

Madam Inutz, nahiga sa tunay na kabaong para sa kanyang first-ever photoshoot

Ayon kay Ogie, napag-alaman niyang pumunta sa bahay ng online seller sina Ethel at dala nila ang kanilang regalo para kay Madam Inutz.

Gayunpaman, dahil may manager na siya, kinailangan umanong ipagpaalam muna sa manager niya ang tungkol sa pagbisita nila na gagawin nilang vlog entry.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para kay Ogie na isa ding manager, naiintidihan niya ang naging desisyon ni Wilbert na ipahinga muna si Madam Inutz upang mapanatili kahit papaano ang interes ng tao sa kanya.

Aniya kung nagpapasaring man ang kampo nila Ethel ay sana huwag nang magsunog ng tulay dahil maliit lamang ang mundo ng showbiz. Maari din naman daw na sabihin ng kampo nila Ethel na hindi sila nagpapasaring.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Madam Inutz, pumirma na ng kontrata sa bago niyang manager na si Wilbert Tolentino

Nagsara man ang Kapamilya network, mariing nanindigan si Ogie na mananatili siyang isang Kapamilya. Kahit wala siyang TV show bunsod ng nangyari sa ABS-CBN, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang paghahatid ng showbiz news at updates sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

Naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel