Ethel Booba, sumama ang loob na hindi man lang sinilip ni Madam Inutz

Ethel Booba, sumama ang loob na hindi man lang sinilip ni Madam Inutz

- Matapos ang natanggap na bashing kaugnay sa kanyang TikTok video na pasaring kay Madam Inutz at sa management nito, minabuti ni Ethel Booba na magpaliwanag

- Ibinahagi niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit niya nagawa ang kontrobersiyal na TikTok video

- Nilinaw din niyang pumunta siya para lang makita si Madam Inutz at maipakilala sana ang kaibigang si Boobsie Wonderland at hindi para mag-vlog

- Ikinasama umano ng loob niya na napahiya siya sa kaibigan at hindi man lang umano nito nilabas sila Ethel kahit magpakita man lang sana sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Ethel Booba nang ilabas niya ang kanyang panig sa kontrobersiyal na isyu nila ni Madam Inutz at sa management nito kaugnay sa kanyang TikTok video.

Ethel Booba, sumama ang loob na hindi man lang sinilip ni Madam Inutz
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Ethel na bilang kaibigan ay nasaktan siya na nang pumunta siya upang bisitahin si Madam Inutz at maipakilala sana ang kaibigang si Boobsie, hindi man lang umano siya nilabas ni Madam Inutz.

Read also

Wilbert Tolentino, kinontra ang pahayag ng kampo ni Ethel Booba na wala silang balak mag-vlog

Aniya, minsan lang siya magkaroon ng mga taong nakakagaanan niya ng loob kaya nasaktan siya sa ginawa sa kanya lalo at may ibang mga taong nakakita nang pagsarhan umano siya ng pinto.

Nilinaw din niyang wala siyang balak na mag-vlog kagaya ng lumalabas na balita. Aniya nagpaalam din sila sa manager ni madam Inutz na si Wilbert at sinabi din daw nilang hindi sila gagawa ng vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging usap-usapan ang TikTok video ni Ethel kung saan nabanggit ni Boobsie ang "Wag kang Inutz" na naging dahilan na paghinalaan na pasaring ang TikTok video sa sikat na online seller.

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Read also

Ethel Booba at Wilbert Tolentino, nagkausap at nagkaayos na

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel