Walong magkakapatid na ulila sa ama, nakalipat na sa bahay na bigay ni Raffy Tulfo

Walong magkakapatid na ulila sa ama, nakalipat na sa bahay na bigay ni Raffy Tulfo

- Natapos na ang ipinatayong bahay para sa walong magkakapatid na naulila na sa ama at iniwan na ng ina

- Bukod sa bahay, kinumpleto na rin ni Tulfo ang mga bagong kagamitan sa tahanan para sa magkakapatid

- Masayang-masaya ang walo nang makita ang bahay dahil noon lamang sila magkakaroon ng maayos na tirahan

- Labis-labis din ang pasasalamat nila kay Tulfo sa hindi nila inaasahang biyaya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakalipat na ang walong magkakapatid ng Mahinay Family sa bagong bahay nila na ipinatayo ni Raffy Tulfo.

Matatandaang nito lamang Marso, nakarating sa programa ni Tulfo ang sitwasyon ng mga magkakapatid na iniwan na ng ina at naulila naman sa ama.

Kaya naman para maibsan ang labis na kalungkutan at paghihirap ng magkakapatid, nangako si Tulfo na ipagpapatayo niya ang mga ito ng maayos na tirahan na kanilang malilipatan.

Read also

Sharifa Akeel, nilimitahan ang komento sa IG post nya kasunod ng paglabas ng balitang pagpapakasal

Walong magkakapatid na ulila sa ama, nakalipat na sa bahay na bigay ni Raffy Tulfo
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sa tulong ng Mayor Lemuel Mayrick Acosta ng Oroquieta City sa Misamis Occidental, nakahanap ng lupain na matitirikan ng bahay ng magkakapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang walo nang makita ang tahanan nilang kumpleto na rin sa kagamitan mula sala, kusina, mga kwarto at palikuran.

Ayon pa sa kanilang panganay, pakiramdam daw niya'y sila'y mayaman sa ganda ng bahay at mga kagamitang noon lamang nila naranasan na magkaroon.

Sa dati kasi nilang tirahan, sa lapag lamang sila kumakain at natutulog ng tabi-tabi. Kapag umuulan pa, hindi sila makatulog ng maayos dahil sa mga tumutulo sa bubong.

Ngayon, maayos na silang makakatulog dahil may sari-sarili na silang mga higaan na mayroon pang kutson.

Tuwang-tuwa ang mga magkakapatid na nagpasalamat kay Raffy Tulfo sa lahat ng mga biyayang ipinaabot nito sa kanila.

Read also

19-anyos na working student, hinangaan sa pagkakaroon ng sariling bahay

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica