Sharifa Akeel, nilimitahan ang komento sa IG post nya kasunod ng paglabas ng balitang pagpapakasal

Sharifa Akeel, nilimitahan ang komento sa IG post nya kasunod ng paglabas ng balitang pagpapakasal

- Minabuti ng beauty queen na si Sharifa Akeel na limitahan na lamang ang maaring makapagkomento sa kanyang Instagram post

- Kasunod ito ng paglabas ng balitang nakatakda na umano siyang ikasal sa politikong si Esmael "Toto" Gaguil Mangudadatu

- Isang picture ng umano'y imbitasyon sa kanilang kasal ang pinagpipiyestahan sa kasalukuyan ng mga netizens

- Gayunpaman, wala pang inilalabas na pahayag mula sa kampo ng beauty queen at sa napapabalitang mapapangasawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasunod ng pagkalat ng picture na umano'y wedding invitation nina Sharifa Akeet at Esmael "Toto" Mangudadatu, kapansin-pansin na nilimitahan ang taong makakapagkomento sa post ng beauty queen sa kanyang Instagram account.

Sharifa Akeel, nilimitahan ang komento sa IG post nya kasunod ng paglabas ng balitang pagpapakasal
Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel (@sharifaakeel)
Source: Instagram

Naging samu't-sari ang mga reaksiyon mula sa publiko hinggil sa lumabas na balita. Mayroong muling binalik ang umano'y pagtanggi noon ng beauty queen kaugnay sa reklamo ng misis ni Mangudadatu na nakarating pa sa programa ni Raffy Tulfo.

Read also

Walong magkakapatid na ulila sa ama, nakalipat na sa bahay na bigay ni Raffy Tulfo

Mayroon ding nagtatanggol kay Sharifa at nagsabing hindi naman matatawag na kalaguyo ang beauty queen dahil tanggap naman sa kanila ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa.

Base sa lumabas na picture ng invitation na inilabas sa Entertainment News Portal IG, August 25 ang nakatakdang pag-iisang dibdib ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, wala pang inilalabas na pahayag mula sa kampo ng beauty queen at sa napapabalitang mapapangasawa nito simula nang lumabas at kumalat ang nasabing inivitation.

Si Sharifa Akeel ay isinilang sa Lebak, Sultan Kudarat at may dugong Qatari at Filipino. Siya ang napili mula sa 50 kalahok sa Mutya ng Pilipinas 2018 bilang Mutya ng Pilipinas - Asia Pacific International 2018.

Kinoronahan siya bilang Miss Asia Pacific International 2018 sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila noong October 4, 2018. Siya ang ikalimang Pinay na nakasungkit ng korona sa Miss Asia Pacific International.

Read also

Alex Gonzaga, viral dahil sa kanyang picture kasama ang anak ni Janella Salvador

Matatandaang nadawit sa kontrobersiya si Sharifa matapos siyang akusahan bilang kalaguyo ng isang politiko. Agad namang tinuldukan ng beauty queen ang nasabing isyu.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel