Pinay Beauty Queen, tinuldukan ang akusasyong kabit siya ng Pulitiko

Pinay Beauty Queen, tinuldukan ang akusasyong kabit siya ng Pulitiko

- Matapang na sinagot ng Pinay Beauty Queen na si Sharifa Akeel ang mga akusasyong kabit siya umano ni Congressman Esmael "Toto" Mangudadatu

- Ito ay makalipas ang dalawang buwang pananahimik mula nang nilantad sa publiko ng misis ni Mangudadatu ang sinasabing relasyon nito kay Akeel

- Sa kanyang Facebook post, sinabi pa ni Sharifa na siya pa nga ang biktima ng cyberbullying na walang tigil di umanong ginagawa sa kanya ng misis ng pulitiko

- Isa rin sa ipinagtanggol ni Sharifa ay ang kanyang relihiyon na pagiging Islam na nagagamit rin daw ng misis ni Mangudadatu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinay Beauty Queen matapang na sinagot ang akusasyong 'kabit' siya ng isang pulitiko

Sharifa Akeel (Photo from Sharifa Akeel's Facebook)
Source: Facebook

Maaanghang na mga salita ang pinakawalan ng Miss Asia Pacific International 2018, Sharifa Akeel sa kanyang Facebook post noong Agosto 28.

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay ng akusasyon sa kanya ni Mylene “Mai” Aguilar Maligaya Mangudadatu na may relasyon di umano sila ng mister nito na si Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu.

Ito makalipas ang dalawang buwang pananahimik ni Sharifa sa isyu mula nang dumulog si Mylene sa programa ni Raffy Tulfo at sinasabing kabit ang beauty queen ng kanyang asawa ayon sa ulat ng Abante.

Mabibigat ang mga akusasyon ng misis laban kay Sharifa. Pinalalabas din nitong hindi mabuting babae ang kauna-unahang Muslim beauty queen ng bansa tulad ng nakikita at pinalalabas umano nito sa publiko.

Nabanggit pa umano ni Mylene na minsa na niyang binalaan si Sharifa na itigil ang relasyon sa kanyang asawa dahil sa bata pa raw ito at maaring iwan lang din siya ng congressman kung makahanap na rin muli ito ng iba.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ulat ng Manila Bulletin, lumalabas na tila nagkatotoo nga ang mga pahayag ng misis ni Mangudadatu dahil sa bagong post nito tungkol sa sinasabing may bago na namang babae ang congressman bukod kay Sharifa.

Bilang tugon, isang mahabang Facebook post ang inilathala ng beauty queen na tila inipon niya ang lahat ng kanyang saloobin at ibinuhos makalipas lamang ang ilang buwan ayon sa Latest Chika.

“To Miss Desperada, I am not tearing you down. You are the one bad-mouthing me, right, yet I remained silent after all that you did. I don’t even care about you. I compete with no one. I do what I need to do, if my posts threaten you, that’s your own issue," ang bunga ni Sharifa sa kanyang post.

Hinamon na rin ito ni Sharifa na totohanin ang sinasabi nitong kaso gayung siya raw dapat ang magsampa ng cyberbullying dahil sa mga paratang nito at paninirang puri sa kanya online.

Hindi rin daw siya ang dapat na sisihin sa kinahinatnan ng pagsasama nila ng congresman. Nagawa ring ipagtanggol ni Sharifa ang kanyang relihiyong Islam na nabanggit din daw sa mga patutsada ni Mylene.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sharifa Mangatong Areef Mohammad Omar Akeel or Sharifa Akeel ay isang Pinay model na nagwagi ng titulong Mutya ng Pilipinas 2018 bago niya nasungkit ang Miss Asia Pacific International sa parehong taon.

Sa kabila ng tagumpay na kanyang tinamasa noong 2018, ito rin ang taon kung kailan matinding pamba-bash din ang kanyang natanggap sa mismong pageant.

At nito lamang Hunyo, sinubok na naman ang pagkatao ni Sharifa nang sumiklab ang akusasyon sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel