Mister ni Sonia Gregorio, nakita ang reaksyon ni Jonel Nuezca nang masintensyahan
- Agad na nakapanayam ni Raffy Tulfo si Florentino Gregorio matapos na masintensyahan si Jonel Nuezca
- Idinetalye nito ang mga naging kaganapan sa pagbibigay hatol sa pulis na nakapaslang umano sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio
- Ayon kay Florentino, nakita niyang namayat at tila tumanda ang itsura ni Nuezca
- Naiyak din ito nang mahatulan siya ng reclusion perpetua o 40-taon na pagkakabilanggo nang walang piyansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agad na nakapanayam ni Raffy Tulfo sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' si Florentino Gregorio, ang mister ni Sonia at ama naman ni Frank Gregorio na umano'y napaslang ng na-dismiss na pulis na si Jonel Nuezca.
Nalaman ng KAMI na ngayong Agosto 26, inilabas na ang sintensyang reclusion perpetua kay Nuezca o ang 40-taon na pagkakabilanggo na walang piyansa.
Labis ang kasiyahan ng pamilya Gregorio dahil nakamit nila agad ang hustisya sa pagkamatay ng dalawang mahal nila sa buhay.
Kwento pa ni Florentino, nakita niya ang reaksyon ni Nuezca nang basahin ang hatol sa kanyang nagawang krimen.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Payat po siya saka medyo tumanda siya... Naiyak po siya, 'yun po ang napansin ko sa kanya"
Ayon pa kay Atty. Freddie Villamor, ang abogado ng mga Gregorio, mapalad ang kanyang mga kliyente dahil sa mabilis na itinakbo ng kaso na umabot lamang sa loob ng walong buwan.
Matatandaan na nitong Hunyo, nagbigay din si Villamor ng update kay Tulfo kung saan natapos na ang hearing ng mga panahong iyon at itinakda nga ang Agosto 26 bilang araw ng paghatol kay Nuezca.
Labis-labis naman ang pasasalamat ng pamilya Gregorio kay Tulfo dahil hindi sila iniwan nito mula sa unang araw na sila'y dumulog sa kanyang programa.
Napaayos pa ni Tulfo ang tirahan ng mga Gregorio kaya naman maayos na nakabalik ang mga anak at pamangkin ni Sonia.
Mapapanood ang kabuuan ng panayam sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Maaalalang Disyembre 20 noong 2020 nang gumulantang sa social media ang nag-viral na video ng aktwal na pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Isa si Raffy Tulfo sa mga tumututok sa kaso ni Jonel Nuezca upang masigurong makakamit ang pamilya Gregorio ang hustisya.
Source: KAMI.com.gh