Jonel Nuezca ng 'Gregorio double murder case', pinatawan ng reclusion perpetua

Jonel Nuezca ng 'Gregorio double murder case', pinatawan ng reclusion perpetua

- Sinentensyahan na ang na-dismiss na pulis na si Jonel Nuezca sa umano'y pagpaslang nito sa mag-inang Sonia At Frank Gregorio

- Makalipas ang walong buwang pagdinig sa kaso, pinatawan na ng reclusion perpetua ang pulis na umano'y namaril sa kanyang mga kapitbahay

- Sinabing bukod sa pagkakakulong, pinagbabayad pa ng P952,560 si Nuezca sa pamilya ni Sonia gayundin sa mag-inang naulila ni Frank

- Disyembre 20, 2020 nang maganap ang karumaldumal na krimen sa Paniqui, Tarlac na gumulantang sa publiko bago ang kapaskuhan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

'Guilty' ang na-dismiss na Police Staff Sgt. na si Jonel Nuezca matapos ang nasa walong buwan na paglilitis sa kanyang kaso.

Matatandaang si Nuezca ang suspek sa pamamaslang umano sa dalawa niyang kapitbahay na mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio ng Paniqui, Tarlac.

Sa ulat ng ABS-CBN News, pinatawan ng reclusion perpetua si Nuezca para sa double murder case sa mag-inang Gregorio.

Read also

Mister ni Sonia Gregorio, nakita ang reaksyon ni Jonel Nuezca nang masintensyahan

Jonel Nuezca ng 'Gregorio double murder case', pinatawan ng reclusion perpetua
Jonel Nuezca (Photo credit: Peach Prosa)
Source: Facebook

Kinumpirma naman ito ni Brig. Gen.Val De Leon ang director of PNP-Central Luzon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Philippine Star, pinagbabayad din si Nuezca ng halagang P952,560 sa mga naiwang pamilya ni Sonia gayundin sa mag-ina na naulila ni Frank Gregorio.

Nito lamang Hunyo, nagbigay ng update ang isa sa mga abogado ng pamilya Gregorio na si Atty. Freddie Villamor sa 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo. Nasabi nitong noo'y natapos na at cross examination na lamang ang kanilang isinasagawa sa mga ebidensyang inihain sa korte.

Nabanggit na ni Atty. Villamor na Agosto 26 ang petsa ng desisyon ng korte at sumapit na nga ang araw na ito kung saan hinarap na ni Nuezca ang hatol sa kanyang nagawa sa mag-inang Gregorio.

Humanga rin si Atty. Villamor sa judge na humahawak sa kaso sa mabilis na paglilitis nito.

Read also

Loisa Andalio at Angeline Quinto, kinaaliwan sa kanilang pagalingan sa English

"Would like to give credit to the judge sa mabilis na paglilitis ng kaso, today was tha last day for the presentation of defense evidence. Cross examine po ng ating abogado si Policeman Nuezca"

Inamin naman umano ng dating pulis na binaril nga niya ang mag-ina subalit depensa nito, nagdilim lamang daw ang kanyang paningin nang kantahan umano ni Sonia ang kanyang anak matapos nitong masambit ang "My father is a policeman."

"Nawala siya sa sarili niya at hindi na niya alam ang ginawa niya, bumalik na iyong ulirat niya, 'dun niya na-realize nabaril na pala niya 'yung dalawa"

Maaalalang Disyembre 20 noong 2020 nang gumulantang sa social media ang nag-viral na video ng aktwal na pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Isa si Raffy Tulfo sa mga tumututok sa kaso ni Jonel Nuezca upang masigurong makakamit ang pamilya Gregorio ang hustisya. Binigyan din niya ng tulong ang pamilya Gregorio, kasama na rito ang pagpaayos ng tahanan ng mga ito sa Tarlac.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica