Loisa Andalio at Angeline Quinto, kinaaliwan sa kanilang pagalingan sa English
- Marami ang naaliw sa tagisan ng pag-translate nina Angeline Quinto at Loisa Andalio sa mga Tagalog na salita sa English
- Sa video na ibinahagi ni Angeline Quinto, nakasama niya ang magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte
- Napuno naman ng tawanan ang nasabing video lalo at kilalang mapagbiro si Angeline at ganoon din naman sina Loisa at Ronnie
- Matatandaang kinaaliwan din ang isang video ni Angge kung saan sinubukan niyang magluto habang nagpapaliwanag ng kanyang ginagawa sa salitang Ingles
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kinaaliwan ng netizens ang tagisan ng pag-translate sa English nina Angeline Quinto at Loisa Andalio sa isang video na ibinahagi ni Angeline sa kanyang YouTube channel.
Nakasama ni Angeline ang magkasintahang Loisa at Ronnie Alonte sa nasabing video na kinuhanan sa mancave ng aktor na dati na rin nilang napakita sa isang vlog nila ni Loisa.
Kailangang mapahulaan nila ang mga pangungusap na kanilang mabubunot sa pamamagitan ng pagsambit ng translation nito sa English.
Hirap man sa pag-translate napagtagumpayan nilang mahulaan ang mga pangungusap.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Panuorin ang kabuoan ng video dito:
Naaliw ako.. Ang saya naman nitong challenge hanggang natapos napanganga lang ako....ang saya panuorin.
Haha! Nagsama sama ang mga best in English! Sama nyo nadin si Ate Zebby. Masaya yon! PS: napansin ko lang , “comma” peyburit content ni ate idol pag nag-e-English!
Sakit sa panga kaloka si Angge (, comma ) . Collab niyo po sina Darren at AC para mas masarap Englisan.
Si Angeline Quinto ay isang sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa mundo ng entertainment nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.
Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mang-aawit matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang kinikilalang ina na si Mama Bob.
Marami ang naantig sa mensahe ng pamamaalam ni Angeline para sa pinakamamahal na ina.
Matatandaang hiniling ng mang-aawit sa mga netizens na isama sa kanilang panalangin ang kanyang ina noong nakaraang buwan.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh