Raffy Tulfo, muling nagbiro na baka mawalan ng trabaho sa sobrang galante ng anak na si Ralph
- Muli na namang nagbiro si Raffy Tulfo na baka mawalan umano siya ng trabaho dahil nahihigitan na umano siya ng anak na si Ralph Tulfo
- Isa na naman kasing kababayan nating kapos-palad ang natulungan ni Ralph at nagulat si Raffy sa dami ng bigay nito
- Dahil dito, sinagot naman ni Tulfo ang hearing aid para sa lolo na hirap nang makarinig gayung naglalako pa ito ng gulay
- Ipinagmalaki naman ni Raffy ang anak na taunan na ang pagtulong sa kapwa tuwing sasapit ang kaarawan nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Talagang nagulat si Raffy Tulfo sa dami ng tulong na ipaaabot ng anak niyang si Ralph sa mag-asawang naglalako ng gulay sa Quezon City.
Nalaman ng KAMI na napili ang mag-asawang sina Regina at Gerry Alombro na matutulungan ni Ralph.
Hindi na halos makapagsalita si Lola Regina na na-stroke habang hindi na makarinig ng maayos si Lolo Gerry.
Sa tulong ng barangay chairman ng Bagong Silang sa Quezon City na si Willy Cara, nakapanayam ng mag-amang Tulfo ang mag-asawa.
Bibigyan ni Ralph ang mag-asawa ng hiling nitong puhunan para sa panindang gulay, wheelchair para kay Lola Regina at kariton para sa paninda nila ni Lolo Gerry.
Bukod pa rito, bibigyan pa niya ng Php20,000 ang mag-asawa para sa kanilang groceries at ibang pangaraw-araw na pangangailangan.
Dahil sa dami ng ibibigay na ito ni Ralph, muli na namang nagbiro si Tulfo na baka mawalan na siya ng trabaho at nadadaig na siya ng anak sa tindi ng pagbibigay nito ng tulong.
"Kailangan para hindi ako matalbugan, meron akong sinasagot," pabiro ni Tulfo.
Sasagutin naman ni Raffy ang pagpapa-hearing aid kay lolo Gerry upang makarinig na ito ng maayos lalo pa at naglalako sila.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh