Ralph Tulfo, sumusunod sa yapak ng amang si Raffy pagdating sa public service

Ralph Tulfo, sumusunod sa yapak ng amang si Raffy pagdating sa public service

- Sa pagdiriwang ng kaarawan ng anak ni Raffy Tulfo na si Ralph, isang kababayang nangangailangan ng tulong ang mabibiyayaan

- Hiling nito ang wheelchair para sa anak at puhunan para sa kanyang tindahan na tutuparin ni Ralph

- Dahil dito, nagbiro ni Raffy na baka mawalan na siya ng hanapbuhay dahil dinadaig na siya ng anak pagdating sa pagtulong

- Sinabi naman nitong super proud siya sa ginagawa ng anak at na sumusunod na sa kanyang yapak pagdating sa serbisyo publiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taon-taon, ipinagdiriwang ng anak ni Raffy Tulfo na si Ralph ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.

Nalaman ng KAMI na nag-iipon ito sa kanyang alkansya na binubuksan bago ang kanyang kaarawan.

Ang laman kasi nito ang ginagamit niyang panggastos sa pagbabahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Read also

Guro, sinurpresa ng bagong laptop ang dating estudyante na humingi ng tulong

Ralph Tulfo, sumusunod na sa yapak ng amang si Raffy pagdating sa pagtulong sa kapwa
Photo: Ralph at Raffy Tulfo (Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Nakagawian na niya ang magpakain ng mga tao sa labas ng studio ng Raffy Tulfo in Action. Subalit, dahil sa pandemya, hindi niya ito maaring magawa ngayong taon.

Dahil dito, namili na muna siya ng isang masuwerteng mabibiyayaan ng tulong mula sa mga dumudulog sa 'Wanted sa Radyo.'

Tutuparin niya ang hiling ng isang ina na si Arleen Limban na nagnanais na magkaroon ng wheelchair para sa anak na may special needs at puhunan para sa kanyang munting tindahan.

Magpapadala si Ralph ng Php50,000 para sa tindahan ni Arleen na siya nilang pinagkukunan ng kanilang pangaraw-araw na gastusin. Pagagawan din niya ng wheelchair na ipasasadya pa talaga sa sukat ng anak ni Arleen.

Dahil dito, natuwa si Tulfo sa pagtulong na ginagawa ng anak at nagbiro itong nadadaig na siya nito pagdating sa pagtulong.

"Baka mawalan ako ng trabaho nito!'" pabiro ni Tulfo sa dami ng tulong na ibibigay ng kanyang anak.

Read also

Jomar Lovena, pinabulaanan ang bintang sa kanya kaugnay sa 1 milyong utang nya

Gayunpaman, pinuri niya ito at labis umano siyang natutuwa na nagiging makabuluhan ang kaarawan ni Ralph taon-taon dahil sa pagtulong niya sa kapwa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica